Advertisers

Advertisers

MABILIS NA AKSYON NI COMM. ARIEL

0 3

Advertisers

MULING umani ng papuri at paghanga si Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa kanyang mabilis na aksyon sa nangyaring pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga kung saan ang napatay na suspek ay anak pala ng Customs Police Commander sa Port of Zamboanga.

Marami ang pumabor sa agarang desisyon ni Comm. Ariel na alisin sa puwesto ang opisyal dahil ‘BOC-issued firearm’ pala ang baril na ginamit ng suspek na nagpakamatay naman matapos barilin ang isang kapwa-estudyante nito lang Martes, Agosto 18.

Nabatid pa na sasakyan ng BOC officer ang ginamit ng suspek sa pagpasok sa campus kaya “nakalusot” sa mga “Jaguar” (guwardiya). Ito naman siyempre ang “palusot” ngn eskuwelahan.

Iniutos din ng Customs Chief na magbigay ng buong kooperasyon ang Port of Zamboanga sa ginagawang imbestigasyon bukod pa sa sariling ‘parallel investigation’ ng BOC upang makatulong malaman ang puno at dulo ng insidente.

Pabor din tayo sa utos ni Comm. Ariel sa agarang “imbentaryo” ng lahat ng armas na pag-aari ng BOC at kung kanino nakapangalan ang mga ito.

Kung mabisto naman na may mga “nawala” sa mga ito—naibenta o naisangla halimbawa, katulad ng estilo ng ilang mga “tolongges” sa PNP—wala na ring dapat magtaka, hehehe.

Hindi rin tayo para humusga sa nasibak na ESS commander dahil lahat naman tayo ay walang alam sa sitwasyon sa loob ng kanilang pamilya at malamang pa nga, kahit siya ay nagulat sa nangyari.

Ang punto natin, sa ganitong mga hindi inaasahang insidente sadyang lumalabas ang kalidad ng isang lider na agarang nakikita ang implikasyon ng ano mang pangyayari sa kanyang ahensiya.

Ito ang ikalawang insidente ng school shooting matapo ang insidente noong Hunyo sa Tacoban National Highschool kung saan 3 ang patay at higit 20 ang sugatan.

Komento ng mga miron, kung hindi sana nagkaroon ng ‘Juvenile Justice Welfare Act’ (RA 9344) na masyadong “bineybi” ang ating mga kabataan, marahil hindi aabot sa ganitong mga madugong insidente ang lahat.

Sino nga bang bobong senador na tuta ng mga dayuhan ang nag-akda nyan?