Advertisers
Ipinaaabot ng Bureau of Customs (BOC) ang pinakamalalim nitong pakikiramay sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga biktima ng malagim na insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga ngayong Agosto 18, 2026.
Nakikiramay at nakikiisa ang BOC sa buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga at sa lahat ng naapektuhan ng masakit na insidenteng ito.
Agad na iniutos ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, matapos malaman ang insidente, ang pagpapahinga sa tungkulin at preventive suspension sa personnel ng Customs Police na nagmamay-ari ng mga baril na umano’y ginamit ng estudyanteng sangkot sa insidente, habang hinihintay ang resulta ng masusing imbestigasyon.
Inatasan din ng Commissioner ang mga kinauukulang Deputy Commissioner, kasama ang mga kaukulang field office, na magsagawa agad ng buong imbestigasyon at tipunin ang lahat ng kaugnay na dokumento, rekord, salaysay at iba pang ebidensiya hinggil sa insidente. Inatasan din ng Bureau ang lahat ng personnel na sangkot na lubos na makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng mga kinauukulang awtoridad.
Kaugnay nito, iniutos ni Commissioner Nepomuceno ang komprehensibong accounting at imbentaryo ng lahat ng baril na ipinagkaloob o nakatalaga sa mga tauhan ng Bureau, gayundin ang pagsusuri sa pagsunod sa lahat ng polisiya at kautusan ng BOC hinggil sa kaligtasan sa paggamit ng baril, pangangalaga at kustodiya nito, pagdadala, pagdadala habang naka-duty, pag-iimbak at wastong pagsasapangalaga.
Inatasan ang lahat ng kinauukulang unit na magsumite ng kanilang compliance report sa loob ng 24 oras.
Nanindigan ang Bureau of Customs sa pangako nitong itaguyod ang pananagutan at transparency, at tiyaking maisasagawa ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maiwasang maulit ang ganitong uri ng insidente.(BP)