Advertisers

Advertisers

Free swab tests sa cinema workers, alok ni Isko

0 384

Advertisers

NAG-ALOK ng libreng swab test si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga manggagawa sa mga magbubukas na sinehan.
Kasunod ito ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na payagan nang magbukas ang mga sinehan, theme parks at museums, at iba pa sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Sinabi ng alkalde na kailangan magkaroon ng swab testing sa mga empleyado ng mga sinehan bago payagan ng local na pamahalaan ang mga mga mall na magbukas ng kanilang sinehan.
Sasailalim sa swab test ng Manila Health Department ang janitors, security guards, tellers, ushers porters, ticket tellers, at snack bar attendants.
Naniniwala ang alkalde na bagama’t magdudulot ng pagsisikip ng trapiko sa mga pampublikong lugar ang muling pagbubukas ng mga sinehan, makakatulong rin ito sa mga negosyo na makaahon lalo na sa mga lubos na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.
Kaugnay nito, hiniling ni Domagoso sa mga mall manager na magprisinta ng kanilang paghahanda sa pagbubukas ng mga sinehan bilang pagsunod sa national government health protocols.
Sinabi naman ng SM mall managers na two-seat-apart arrangement ang kanilang ipapatupad habang ang Robinsons Malls, one-seat-apart arrangement.
Sinabi ng Lucky Chinatown managers na dalawang sinehan lamang ang kanilang bubuksan.
Lahat ng mall managers ay magpapatupad ng “No Face Mask, No Face Shield, No Entry” policy. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)