Advertisers
AGARAN ang ginawang paghahain ni dating Representative Martin Romualdez ng Supplemental Counter-Affidavit sa Office of the Ombudsman, kalakip ang mga sinumpaang salaysay ng 25 mga dating drivers at security aides ni dating Representative Zaldy Co.
Sinabi ni Atty. Ade Fajardo, tagapagsalita ni dating House Speaker Martin Romualdez, Isasama na rin nila ang umano’y boluntaryong salaysay ni Mr. Orly Guteza, bilang pagbawi niya sa nauna nitong pahayag sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ng dating chair Rodante Marcoleta.
Pinatutunayan lamang daw nito ang biglaang paglutang ng mga bagong testigo upang magsabi umano ng buong katotohanan at upang kontrahin ang mga naunang alegasyon ng 18 Maleta Boys sa pangunguna ni Atty. Levito Baligod sa layunin na isangkot umano si Rep. Romualdez sa kontrobersiya ng flood control scam.
Batay umano sa salaysay ng sinasabing mga saksi, walang naganap na anumang delivery ng pera laan sa sinumang pulitiko o opisyal ng gobyerno, kabilang na si Rep. Romualdez. HInikayat lamang daw silang sumali sa isang grupo ng mga testigo kapalit ng pera, at may mga affidavit nang inihanda para sa kanila.
Si Orly Guteza naman, naglabas rin ng pahayag at idinetalye kung paanong ang mga akusasyon ay ipinilit daw sa kanya para tanggapin at pirmahan, bilang “missing link” na siya raw ang mag-uugnay umano kay Rep. Romualdez sa nasabing kaso.
Dahil dito, lumilitaw lamang na nagkakaroon ng magkakasalungat na kuwento kung saan may mga bumabawi at mayroong nagsasabing wala silang personal na kaalaman sa mga alegasyon.
“In all of this, one thing is common: may mga taong nag-udyok at namilit sa mga testigong ito para idawit si Rep. Romualdez sa kaso,” diin ni Atty. Fajardo.
Aniya pa na sa dami umano ng magkakasalungat na kwento, napaka klaro na walang ebidensya laban kay Rep. Romualdez.
Dagdag pa ni Atty Fajardo na matagal na nilang sinasabi na walang kinalaman umano si Rep. Romualdez sa mga paratang laban sa kanya.
“We remain confident that in a fair investigating body, mapapatunayan naming walang basehan ang mga akusasyon laban kay Rep. Romualdez,” saad ni Atty Fajardo.
Samantala, mariin namang pinabulaanan ni Atty. Baligod ang mga ibinigay na pahayag ni Guteza na wala siyang personal na kinalaman umano sa paghahatid ng mga maleta makaraan nitong bawiin o pagbaliktad sa nanuna niyang pahayag na isinasangkot si Rep. Romualdez sa flood control scandal.
Sinabi ni Atty. Baligod na may mga ebidensya siya na magbibigay linaw na bahagi si Guteza sa paghahatid ng mga maletang puno ng pera sa ilang mga opisyal na sangkot sa kontrobersiya. (Henry Padilla)[/vc_column_text][/vc_column][/vc_row]