Advertisers

Advertisers

Naging tatlo singko ang pagmumura nang maging presidente si Digong

0 42

Advertisers

MAINIT na pinagtatalunan ngayon ang naging pahayag ni Atty. Claire Castro, ang tagapagsalita ng Palasyo, hinggil sa “ilang guro” na sila raw mismo ang nagturo ng kabastusan sa mga estudyante
Maraming kilalang personalidad ang nakisawsaw rito lalo yung mga DDS na nag-aabang lalo ng kaht launting butas para sirain ang Marcos administration.
May mga nanawagan pa ng pagbibitiw ni Castro.
Obkors marami rin ang nagtatanggol kay Castro, yung mga may pang-unawa.
Sa aking damdamin, tama naman ang naging pahayag ni Castro. Dahil may ILANG guro talaga na sila mismo ang rason ng pagiging bastos ng estudyante.
Hinaylayt ko na ang ILANG dahil sa salitang ito sila nagkakagulo ngayon.
Maliwanag naman kasi na hindi nilalahat ni Castro ang mga guro. Dahil totoo naman na may ilang guro na talagang sila mismo ang nagtuturo ng kabastusan sa mga mag-aaral.
Nangyari ang pahayag ni Castro laban sa ilang guro matapos lumabas ang video na pinagmumura ng mga estudyante ng Calinan National High School si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. habang papasakay ito ng helikopter matapos bumisita ito sa mga biktima ng kalamidad sa Davao.
Napag-alaman na isang titser mismo ng Calinan Nat’l High School ang may kuha sa video at pinost. Kaya tama si Atty. Castro na may ilang guro talaga na walang modo!
Mali naman si teacher’s partylist Antonio Tinio na pinagsosori si Atty. Castro sa sinabi niya, kahit malinaw na ang sinabi ng huli ay ILANG GURO!
Its good na hindi nagsori si Castro. Pinanindigan niya ang kanyang sinabi. Tama lang!
***
Nang maging presidente si Digong Duterte noong 2016 – 2022, masuwerte nang hindi ito makapagsalita ng ‘PUTANG INA’ sa bawat pagharap niya sa camera o sa publiko, kungsaan pinapalakpakan pa siya ng mga hindot n’yang tagasunod. Simula noon…naging tatlo singko na ang pagmumura.
Oo! Kahit saang school ka ngayon mapunta, makakarinig ka ng mga estudyanteng nagmumura, at natatawa pa ang mga guro.
Anyway, ang tamang pagtuturo ng mabuting asal sa mga kabataan ay nagmumula sa bahay, sa mga magulang, hindi sa guro. Kaya our dearest parents, turuan ang inyong mga anak na ‘wag magmura dahil BAD ito. Okey?
***
Posibleng maharap sa panibagong kaso sina Senador Rodante Marcoleta at dating Congressman Mike Defensor matapos bumaligtad ang unang lumutang na “maleta boy” na si Orly Guteza, at sinabing ang dalawang ito ang may gawa ng mga kasinungalingan para idiin si dating House Speaker Martin Romualdez sa “kickback” money. Subaybayan!