Advertisers

Advertisers

PBGEN ABRAHANO, BAGONG HEPE NG NCRPO

0 6

Advertisers

TAGUIG CITY — Pormal nang itinalaga si PBGEN CHRISTOPHER N. ABRAHANO bilang Officer-in-Charge, National Capital Region Police Office (NCRPO) kasabay ng isinagawang Turnover Ceremony ngayong Agosto 23, 2026, sa NCRPO Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang seremonya bilang Presiding Officer, kung saan pormal na isinagawa ang turnover ng pamumuno mula kay PMGen. Anthony A. Aberin, outgoing Regional Director ng NCRPO, patungo kay PBGen. Abrahano.

Bago ang turnover ceremony, ginawaran din ng Arrival Honors si PBGen Abrahano bilang pagsalubong sa kanyang pagdating at pagsisimula ng bagong tungkulin sa NCRPO.

Sa kanyang bagong responsibilidad, pangungunahan ni PBGen. Abrahano ang kapulisan ng Metro Manila sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng publiko, gayundin sa pagpapatuloy ng mga programa at operasyon ng NCRPO alinsunod sa PNP Focused Agenda sa ilalim ng pamumuno ni Nartatez.

Samantala, nagtatapos naman ang panunungkulan ni PMGen. Aberin bilang Regional Director ng NCRPO, kung saan naging bahagi ng kanyang pamumuno ang pagsusulong ng “Able, Active, Allied” na nagsilbing gabay sa kapulisan ng Metro Manila.

Ang turnover ay sumisimbolo sa maayos na paglilipat ng responsibilidad at pagpapatuloy ng serbisyo ng NCRPO para sa mamamayan ng Metro Manila. (RONALD BULA)