Advertisers
NAGKAROON ng ten-syon sa isang barangay matapos i-hostage ng isang security guard ang kaniyang 13-anyos na kapitbahay sa Maypajo, Caloocan.
Ang sekyu, may mabigat na pinagdaraanan umano matapos hindi napasuweldo ng kaniyang dating security agency.
Sa ulat ni Katrina Son sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing naganap ang insidente sa Barangay 28 mag-8:00 ng umaga.
Pumalibot ang Caloocan Police at ibang emergency responders sa lugar habang nakikipag-negosasyon.
“Sa bintana siya dumaan tapos dumaan ng bubong. Hanggang umabot po siya doon sa kabilang bahay. Doon niya na nakuha ‘yung minor natin,” sabi ni Police Captain Julius Villafuerte ng Investigation And Detective Management Section, Caloocan City Police.
Bago dumating ang pulisya, may mga kasamahan ang sa-larin na tinangkang kausapin ito.
Pero pagkalapit ng kasamahan, hino-hostage din siya nito.
Kasama sa mga hiniling ng salarin ang halagang P9,500 at makausap ang kaniyang pa-mangkin.
Matapos maibigay ng pulisya ang hiniling ng hostage-taker, sumuko ito bandang tanghali.
“Allegedly nakakaranas ng depresyon ang suspek natin. And according sa ating mga witness, medyo nagkaproblema sa pamilya kaya naisip niya ang magkaroon ng hostage taking,” sabi ni Villafuerte.
Ayon sa kapatid ng salarin, gusto na sana nitong umuwi sa Iloilo ngunit walang pera.
Hindi umano pinasuweldo ang kapatid sa dating pinagtatrabahuhang security agency.
“Apat na araw na straight ang duty. Walang kain. Siyempre antok ka na nu’n. Sana sa agency niya, suwelduhan naman. Kasi kawawa naman ang tao eh. ‘Yun lang ang akin. Kung ano ang pinaghirapan ng kapatid ibigay sana nila. Para makauwi na,” sabi ng kapatid ng salarin.
Nakikipagtulungan na ang security agency na pinapasukan ng salarin.