Advertisers

Advertisers

BBM ALAM ANG KASAYSAYAN

0 26

Advertisers

HINDI kasing talino, lalim, at lakas ng loob ni BBM ang ama, si diktador Ferdinand Marcos Sr. Pero hindi siya nalayo sa katusuan at kakayahan na basahin ang sitwasyon upang patibayin ang sarili sa gitna ng tunggalian ng iba’t ibang puwersang pulitikal sa bansa.

Tulad ng ama, may kakayahan si BBM na basahin ang kasaysayan. Alam niya kung saan ilalagay ang sarili sa kasaysayan. Alam niya ang daloy ng kasaysayan at hindi siya magiging hadlang o sagabal sa daloy. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya gumagalaw na lalabag sa daloy ng kasaysayan ng bansa.

Nais ni BBM na siya ang pumalit kay Gongdi bilang pangulo. Matunog si Misfit Sara kahit noong 2021, ngunit dahil hindi humawak si Misfit na anumang posisyon na pambansa. Hindi naging kasapi ng Gabinete si Misfit. Hindi siya tumakbong senador noong 2019 at minabuti na nanatili na alkalde ng Davao City.

Nasilip ito ni BBM at nakumbinsi si Misfit Sara na pumailalim na lang. Imbes na tumakbong presidente, bise presidente na lang. Sa 2028 na lang tumakbong presidente at siniguro ni BBM na hinog siya sa 2028 at walang talo kahit sino ang katunggali.

Hindi sila magkakilala ni BBM nang ag-usap siya noong 2021. Mas kilala ni Misfit si Babs, ang nakakatandang kapatid ni BBM. Ang buong akala ni Misfit, pareho ni Babs si BBM. Hindi niya alam na si BBM ang totoong Marcos.

Alam ni BBM ang kahinaan ng Misfit Sara at kahit ang angkan ng mga Duterte sa Davao City. Alam na sanay sila na dambungin ang kaban ng bayan. Ibinigay ni BBM ang hilig ni Misfit Sara sa confidential fund. Dahil walang angkin na talino at husay si Misfit sa pangungulimbat sa kaban ng bayan, hinayaan niya si Misfit Sara. Ibinigay ang hilig.

Ngunit may hangganan ang lahat. Hindi alam ni Misfit Sara ang hindi salapi mula sa kaban ng bayan ang ibinigay sa kanya ni BBM kundi ang lubid na bibigti sa kanyang sariling leeg. Hindi alam ni Misfit ang kumunoy na inilatag ni BBM sa kanila. Buong katusuan na inihulog ni BBM si Misfit Sara na walang nagawa kundi murahin siya.

Walang namamatay sa mura. Tiniis ni BBM ang kabastusan at kawalan ng kagandahang asal ni Misfit Sara basta mawala lang siya sa eksena. Hindi namin nakikita na muling makakabangon si Misfit. Siya ang magnanakaw at tirador ng pera na bayan.

Sa kasaysayan, kilalanin na tama si BBM na kumawala sa mga anino ng mga Duterte. Hindi katanggap-tanggap na pumailalim siya sa kanilang kabastusan, kasuwapangan, at kapangyarihan na wala sa lugar. Nakakulong si Gongdi si piitan ng ICC sa Olanda.

Sisinghap-singhap si Misfit Sara habang inilalaban niya ang sarili ang impeachment trial na kasalukuyang gumugulong. Batid namin na sisiguruhin ni BBM a hindi na makakabangon si Misfit Sara, mawawala sa kasalukuyang posisyon, at tuluyang hindi na makatakbo sa 2028. Sisiguraduhin na tuluyang durog si Misfit.

***

ISA sa mga nakakagimbal na katotohanan na lumabas sa pagdinig ng Senate impeachment court ang balita na nagkaroon si Misfit Sara ng confidential fund na hindi lalampas sa P2.7 bilyon noong siya ang alkalde ng Davao City. Inilabas ito ng Prosecution Panel sa pangunguna ni Amando Virgil Ligutan, isa sa pribadong abogado ng Prosecution Panel.

Kinompronta ni Ligutan ang hostile witness na si Gina Acosta, dating special disbursing officer ni Misfit, ng isang infographic na nagpapakita ng halaga ng confidential fund ni Misfit sara sa Davao City noong alkalde pa ng huli.

Batay sa ulat ng Commission on Audit (CoA) ang infographic na nagsabing halos P2.7 bilyon ang tinanggap ni Misfit bilang confidential fund sa anim na taon na alkalde siya doon: ?144 milyon sa 2016, ?294 milyon sa 2017, ?420 milyon sa 2018, at ?460 milyon kada taon mula 2019 hanggang 2022.

Si Acosta ang humawak ng confidential fund ni Misfit Sara noong alkalde pa siya ng siyudad. Inilipat siya ni Misfit sa Office of the Vice President (OVP) kung saan hinawakan rin niya ang confidential fund ni Misfit bilang pangalawang pangulo.

Nang tanungin ni Ligutan kung alam niya ang P460 milyon ng sikretong pondo ng Davao City kada taon sa huling apat na taon ni Misfit sa poder, sinabi ni Acosta na wala siyang natatandaan doon. Sinabi niya na tumatanda na siya kaya wala siyang naaalala tungkol doon.

“You don’t remember that. All in all, from 2019 to 2022, simple math will tell us: P1,840,000,000, almost P2 billion confidential funds sa Davao City binigay, hindi n’yo rin maalala yung total na ‘yan. Tama po ba?” ani Ligutan.

***

MGA PILING SALITA: “By unfriending and/or blocking the madman’s supporters, you’re depriving them of a forum. The DDS end up talking among themselves.” – PL, netizen, kritiko

“If we want better governance, we should stop treating our gov’t officials like showbiz personalities.”-Vico Sotto, alkalde ng Pasig City