Advertisers
Arestado sa isinagawang police manhunt operation ng mga tauhan ng Warrant Section ng Magallanes Municipal Police Station ng Cavite, ang isang ang isang Regional Level Most Wanted Person sa Calabarzon sa sa Rockwell Drive, Barangay Poblacion, sa Lungsod ng Makati, bilang bahagi ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Philippine National Police.
Kinilala ang suspek na si alyas “Nick”, nasa hustong gulang at residente ng Dasmarinas City Cavite.
Nahaharap ang suspek sa 18 counts ng kasong panggagahasa o rape at at 3 counts ng acts of flasciviousness. Inilabas ang warrant of arrest ng Regional Trial Court Branch 129 sa Dasmariñas City noong Hunyo 18, 2025 na Walang inirekomendang piyansa para sa 18 kaso ng rape, habang P180,000 ang itinakdang piyansa para sa bawat isa sa tatlong kaso ng acts of lasciviousness.
Kasalukuyang nakaditine ngayon sa Magallanes Municipal Police Station ang suspek para sa isinasagawang dokumentasyon at kaukulang disposisyon.(Koi Laura)