Advertisers
Nasa full capacity na o 300% na ang mga emergency room ng ospital na pinatatakbo ng pamahalaan ng Maynila sa Dami ng kaso ng leptospirosis.
Pinaalalahanan naman ng nasabing ospital ang mga pasyente na nangangailangan ng emergency care na habaan ang pasensya.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, kahit gaano kalaki ang emergency room ng Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital ‘overwhelmed’ na ang mga ito sa kasalukuyan.
Patuloy ding hinihintay ng alkalde ang publiko na agarang magpakonsulta sakaling makaranas ng anumang sintomas o kung lumusong sa baha para maagapan ang nasabing nakamamatay na sakit.
Sinisiguro din ng mga doktor na mabibigyan din ng tamang atensyib o mailipat sa ibang pinakamalapit na ospital ang mga pasyente na may akkayahang pang tumanggap sa kanila.
Inatasan naman ni Mayor Isko ang mga tauhan ng mga health center sa lungsod na magsagawa ng door-to-door campaign laban sa leptospirosis
Layunin ng hakbang na malaman ang sitwasyon ng mga residente at matukoy ang mga posibleng tinamaan sa lungsod at agarang maagapan. (Jocelyn Domenden)