Advertisers
MAGKAKASA ng isang inquiry ang House Committee on Public Accounts upang silipin ang financial condition ng SSS.
Salig ito sa House Resolution 1563 na inihain ni Probinsyano Ako Partylist Rep Jose “Bonito” Singson, na siyang chair ng Komite.
Nais alamin sa pagdinig ang “weaknesses” o “excesses” ng social security program na nangangailangan ng panukalang batas para maamyendahan.
Kasunod narin ito ng pag-apruba sa panukala na magbibigay kapangyarihan sa Pangulong Duterte na suspindehin muna ang nakatakdang contribution rate increase ngayong taon bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Tutol naman dito ang SSS dahil umano sa posibleng maging epekto naman nito sa financial stability ng kompanya.
Ngunit batay aniya sa 2019 Annual Financial Report ng Government Corporations, kabilang ang SSS sa top income earners na mayroong 16.71 percent or P268.101 billion out of the total 1.604 trillion gross earnings.
Napuna naman ng Commission on Audit ang kawalan ng monitoring ng SSS pagdating sa assessment at koleksyon ng delinquencies kung saan hindi bababa sa P186.201 billion premium contributions ang hindi pa nakokolekta hanggang noong December 31, 2019.
Pagtitiyak ng mambabatas na aalamin ng komite ang tunay na sitwasyon upang makabuo ng pinakamainam na rekomendasyon para sa kapakanan ng stakeholders ng SSS. (Henry Padilla)