Advertisers

Advertisers

2 senador sasanib na sa majority block

0 6

Advertisers

DALAWANG senador ang naulinigan nating tatalikuran na ang pagiging Duterte diehard supporters, sasanib na raw sa majority block.
Hindi na raw kasi kinaya ng sikmura ng naturang mga senador ang kanilang mga narinig sa impeachment trial, kung paano nilustay ni Vice President Sara Duterte ang kanyang confidential funds noong siya’y kalihim ng Department of Education at sa kanya mismong tanggapan, Office of the Vuce President (OVP).
That means may natitira pa palang dignidad ang dalawang senador na ito. Hehehe…
Pero ayon sa ating bubuwit, may isa pang rason kung bakit sasanib sa majority ang naturang dalawang senador. Ibig nilang tigilan na ang kaso sa kanila dahil lalo lang silang nagkakasakit
Kapwa na kasi may sakit ang dalawang senador na ito. Ang isa napunit daw ang malaking ugat sa tuhod, at ang isa ay nagpapagamot sa ibang bansa. Araguy!!!
Ang tanong: Sakaling sumanib na nga sa majority ang dalawang senador na ito, iaatras naman kaya ni Ombudsman Boying Remulla ang kasong Plunder laban sa kanila? I doubt!!!
Sa tigas ng puso ni Boying, tingin ko hindi niya basta iaatras ang mga kaso sa naturang mga senador. Peks man!
***
HINDI na raw kinukuha ng mga senador na nakakulong, naka-leave at nagtatago ang kanlang suweldo. Ayos! Mabuti’t Tinablan narin sila ng hiya. Pero mas bibilib tayo kung magbitiw na sila sa puwesto for delicadeza.
Sa ibang malalaking bansa, ang mga opisyal o politiko na nasasangkot sa katiwalian ay kaagad bumababa sa puwesto, ang iba nga nagpapakamatay pa dahil sa kahihiyan.
Ayon kay Senate President Win Gatchalian, hindi na kinukuha nina Senador Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta, Bato dela Rosa at Loren Legarda ang kanilang suweldo.
Sina Estrada at Marcoleta ay kapwa nakakulong sa kasong Plunder, si Dela Rosa ay nagtatago dahil sa arrest warrant ng ICC, at si Legarda ay naka-medical leave dahil nagpapagamot kuno sa ibang bansa.
***
Ginagawang katatawanan ni Senator-Judge Robin Padilla ang kayang sarili sa impeachment trial. Sa tuwing magtatanong siya sa testigo at makipagdebate sa kapwa Senator-Judge tyak sablay!
Tulad ng pagtatanong niya sa private prosecutor, Atty. Mae Divinagracia, nagmukha siyang tanga-tanga.
Nang makipagdebate naman siya sa kapwa Seator-Judge na si Bam Aquino, nagmukha siyang elementary student na nasa row 4. Ewan!
May mga netizen tuloy na nagkokomento na sobrang sayang daw ang pasueldo kay Robin. Dapat daw magbitiw nalang ito sa pagka-senador.
Kung ako kay Robin, gagayahin ko nalang si Senator-Judge Lito Lapid na nagmamasid lang. No talk, no mistake.
Ang tanong: may boboto pa kaya kay Robin kapag nag-reelect? Malamang ang mga kapwa niya rin DDS.
God save Philippines!