Advertisers
NAKALABOSO ang isang pasahero na responsable sa kaso ng panggagahasa matapos siyang arestuhin ng mga awtoridad pagdating sa immigration counter ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Agosto 26,2026, napag-alaman sa ulat kahapon.
Ang koordinasyon sa pagitan ng Bureau of Immigration, NAIA Police Station 3 at Criminal Investigation and Detection Group, Regional Field Unit–National Capital Region (CIDG RFU-NCR) ay humantong sa pag-aresto kay alias ‘Boy’ ,60 edad, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng warrant of arrest.
Ipinapakita ng mga rekord ng korte na ang warrant ay inisyu kaugnay ng krimeng Panggagahasa kaugnay ng Republic Act No. 7610, na kilala rin bilang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, nang walang inirekomendang piyansa.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG RFU-NCR para sa dokumentasyon at naaangkop na legal na paglilitis.
Sa pahayag ni PBGEN Dionisio B Bartolome Jr, Director, PNP AVSEGROUP, hindi dapat maging hadlang ang oras o lugar upang maipatupad ang kautusan ng korte. Sa mabilis na koordinasyon ng ng mga pulis,katuwang ang airport authorities, agad natugunan ang warrant at naiharap ang akusado sa tamang proseso ng batas. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)