Advertisers

Advertisers

Mag-asawang seniors, apo minasaker sa Cavite

0 3

Advertisers

KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang senior citizens at kanilang apat na taon-gulang na apo nang tadtarin ng bala ng mga armadong lalaki na pumasok sa kanilang munting tahanan sa Barangay Daine 1, Indang, Ca-vite.
Kinilala lang ang mga biktima sa mga alyas na Franco, 63 anyos; misis niyang si Juanita, 62; at 4-anyos na bata.
Sa ulat ng Indang Police, nang makarinig ng sunud- sunod na putok ng baril ang ilang residente mula sa direksiyon ng tirahan ng mga biktima, agad silang humingi ng tulong sa mga opisyal ng kanilang barangay at itinawag sa pulisya.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nadatnan nila sa loob ng maliit na bahay na gawa sa kahoy ang tatlong biktima na naka-bulagta at duguan. Agad silang dinala sa pagamutan pero idineklarang mga patay na.
Samantala, mabilis na naa-resto ang dalawang suspek sa krimen sa follow-up operation ng pulisya.
Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na Alex, 36; at Kulot, 25, na kapwa sinampahan ng kasong multiple murder.
Isa pang suspek ang pinaghahanap ng pulisya.
Nagpapatuloy pa ang im-bestigasyon sa krimen