Advertisers

Advertisers

VP Sara tila nawawala na ang ulirat

0 859

Advertisers

Marami ang nagsasabi kabilang na ang ilan mga political analyst na tila nawawala na ang sariling ulirat ni VP SARA.

Ito anila ay bunsod na ng katakot-takot na pressure na tinatanggap nito kaugnay ng impeachment case na inihain sa kanya.

Bunga nito, sinabi ni VP SARA na wala na siyang tiwala sa Korte, kapulisan, DILG at gobyerno.

Kaugnay nito, sinabi naman ni DILG Secretary Jonvic Remulla na malaki ang posibilidad na bumigay na ang Bise Presidente sa sobrang tensyong inaabot nito.

Mantakin mong ultimo mga sarili nilang mga testigo ay bumaligtad na laban sa kanya kung kaya’t ganito na lamang ang sama ng loob nito.

Sa impeachment case na sinampa laban sa kanya, mukhang lumalabas ang ebidensiya laban sa kampo ni VP SARA.

Kabilang dito ang pag-lustay sa milyun-milyong piso pondo para sa confidential fund at iba pa noong siya’y nakaupong secretary ng DECS.

Masyado umanong kwestiyonable at misteryoso ang pagkawala ng pera na umanoy binahagi lang sa kung sino-sinong mga tao na naulat na kanyang mga kaalyado.

Maliban dito ay inakusahan din siya dahil sa pagba-banta sa buhay ni Pangulong BBM at Speaker Martin Romualdez.

Mukhang malapit na anila sa sukdulan ang magiging desisyon ng mga senator judges kung kaya’t alumpihit na anila nga Bise Presidente .

Biruin niyo ang inaabot nitong mga maladiya sa buhay sa araw-araw, mabigat dalhin iyon, ‘di po ba?

Kabilang na dito ang depression, anxiety, frustration at emptiness dahil sa ang mga ito ay ibang klaseng stress na kung saan masyadong apektado ang isipan at emosyon ng Isang tao.

Kanya hindi anila malayo na mawala ang ULIRAT ng isang tao kapag sinapit ang ganitong klaseng mga stress.

Malaki rin umano ang posibilidad na maaaring mawala rin ang sariling bait ng Isang taong dinadanas nito.

Kung kaya’t ang payo nila kay VP SARA ay ibalik ang kanyang composure at iwasang tanggapin ang mga stress na ito.

Sa ganon ay malaki ang posibilidad na gumandang muli ang kanyang diskarte at pakikiharap sa sinumang tao at problemang kasalukuyan niyang dinadaanan.