Advertisers

Advertisers

BABAENG ‘HIGH VALUE’ TIMBOG SA P204-MILYON HALAGA NG SHABU SA LAS PIÑAS

0 4

Advertisers

HUMIHIMAS ngayon sa rehas na bakal ang isang babae matapos arestuhin ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Bgy. BF International, Las Piñas, Sabado ng hapon, September 19,2026.

Ito ay joint operation ng PNP Drug Enforcement Group, Philippine Drug Enforcement Unit at Southern Police District laban sa isang alyas “Girlie” 40 taong gulang,residente ng San Roque Dau,Lubao,Pampanga, na itinuturing na high value target ng mga awtoridad.

Sa ulat ng pulisya, gamit ang P15,000 boodle money ay nakipagtransaksyon ang isa sa kanilang mga operatiba sa suspek, sa loob ng isang bahay sa Block3 lot 4 Quebec St. Phase 2 Vera Ville Townhouse, BF International,Las Piñas City.

Nang magpositibo ang palitan ng boodle money at ilegal na droga ay doon nila inaresto ang suspek.

Nakumpiska nila mula sa kanya ang 30,000 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204 milyon.

Dadalhin sa Camp Crame ang suspek na mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOJO SADIWA)