Advertisers
Pinangunahan ni Oriental Mindoro 1st District Rep. Arnan C. Panaligan ang pagbubukas sa deliberasyon sa plenaryo sa panukalang 2027 budget ng Department of National Defense (DND) at mga attached agencies noong Setyembre 21, 2026.
Ang DND budget ay kabilang sa mga tinalakay sa House of Representatives sa serye ng plenary deliberations para sa 2027 national budget.
Si Sultan Kudarat 2nd District Rep. Bella Vanessa B. Suansing naman ang nagsilbing sponsor ng panukalang pondo ng DND at mga attached agencies.
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Suansing na mahalaga ang pondo para matiyak ang patuloy na operasyon ng DND, kabilang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Office of Civil Defense, National Disaster Risk Reduction and Management System, at Philippine Veterans Affairs Office.
Ayon kay Suansing, nakapaloob sa panukalang budget ang pondo para sa personnel at operasyon ng kagawaran, AFP modernization, mga pensiyon at benepisyo ng mga beterano, at civil defense.
Binigyang-diin din niya ang papel ng uniformed services bilang kabilang sa mga unang tumutugon sa mga komunidad na tinatamaan ng kalamidad.
Sa harap ng mga hamon sa maritime domain at iba pang aspeto ng national security, hiniling ni Suansing ang suporta ng Kamara sa agarang pagpasa ng Fiscal Year (FY) 2027 DND budget upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagtupad ng kagawaran sa mandato nito.
Dumalo rin sa deliberasyon ang mga opisyal ng DND na pinangunahan ni Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr.
@@@
Anumang reaksyonmo suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com