Advertisers

Advertisers

NBI PINATATAWAG MGA PERSONALIDAD SA BILYONG PISO CASH DELIVERY SA PAMILYA DUTERTE

0 27

Advertisers

IPATATAWAG ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga perso-nalidad na binanggit sa sworn affidavit ni dismissed policeman Rodulfo Gracioso Jr., kaugnay ng umano’y pamamahagi ng bilyong pisong cash sa pamilya Duterte.
Sa ambush interview sa Tripartite MOA Signing sa Department of Justice, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na kabilang sa imbestigasyon ang pag-imbita sa mga pinangalanan para sa validation ng impormasyon.
Sumipot nitong Lunes ng umaga sa NBI si Gracioso para magsumite ng kanyang sinumpaang salaysay.
Sa kanyang affidavit, iginiit niyang nag-deliver siya ng mahigit P2 bilyong cash na nakasilid sa maleta kina Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at Davao City Rep. Paolo Duterte, sa utos umano ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.
Ayon kay Matibag, isinai-lalim na si Gracioso sa polygraph test, na nagpakita aniya ng mataas na truthfulness rating, ngunit patuloy pa rin ang intelligence validation sa lahat ng detalye.
Nilinaw din ng NBI na hiwalay sa kredibilidad ng testimonya ang mga dating administrative case ni Gracioso sa PNP na nagresulta sa pagkakatanggal niya sa serbisyo.
Patuloy ang beripikasyon ng ahensya sa mga ebidensya.
(Jocelyn Domenden)