Advertisers

Advertisers

TBS nasa likod ng convenience store robbery at paghubog sa kabataan sa kriminalidad – DILG

0 29

Advertisers

TINUTUTUKAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang grupong “True Brown Style” (TBS) gang nasa likod ng mga convenience store robbery at pag-groom sa mga minor kabataan sa paggawa ng iba pang krimen.
Ayon kay SILG Jonvic Remulla, “talagang ‘yung mga nakawan ng convenience stores sila talaga ‘yun kasama sa initiations nila kaya this has gone on too much kasi mga graduates nya, 16 years old palang gino-groom na sila para gawin ito. Sila rin ang ginagamit para mag-groom ng mga bata para ngayon natututo na mag-bomb threat at saka mag gun threat sa mga eskuwelahan, sila sila rin yan so it’s time. We will take action.
“Ang TBS ay nagsimula sa California, 25 yrs ago pumunta sa Pilipinas pero maliit lang pero ngayon na-radicalized na sila. Ngayon ang recruitment nila bago ka makapasok sa grupo kaila-ngan at gunpoint nakawan mo ang isang convenience store. Ayon ang initiations nila ah at 16 years old tinuturuan na sila magnakaw. Now this has become too much,” pahayag ni Remulla.
Sinabi ni Remulla na “They are in every LGU in Metro Manila. Of the 83 provinces I think nasa 78 na sila eh na andudoon na sila. Yung iba malaki, ‘yung iba maliit pero mostly sa mga urban centers sila nagco-concentrate.”
Aniya, pa: “Community based ito, ‘yung online iba ‘yun, kasi nga ginagawa nilang criminal ang isip ng mga bata na impluwensiya para gumawa pa ng iba kasi naging normal na ang violence sa kanila, naging acceptable and it is not acceptable to us. Hindi katanggap -tanggap sa Republika ng Pilipinas na sila na ang may-ari ng kalye. We will take it back the barangays, mawawala lahat ‘yan. Meron silang head per barangay, meron silang head per municipality tapos may recruitment drive sila”, saad ni Remulla.
“Nung gumawa kami ng Safer Cities, nakita lahat bumagsak, rape bumagsak, physical violence bumagsak, physical injuries bumagsak. Yung mga bata, ‘yung mga nag-curfew bumagsak. Ang umakyat lang robbery so nagtataka kami saan nanggagaling yan. Na-trace namin lahat di-yan sa TBS. Sila ng gumagawa niyan.”
(Mark Obleada)