Advertisers

Advertisers

Imee: ‘No-El’ sa 2028 posible pa rin

0 40

Advertisers

HINDI isinasantabi ni Senador Imee Marcos ang posibilidad na magkaroon ng “no-election” o “no-el” scenario sa 2028, kasunod ng pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong 2026.

Ito ay kasunod ng paghinto ng Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng paghahanda nito para sa BSKE na orihinal na nakatakdang idaos ngayong Nobyembre 2026.

Ayon kay Marcos, walang kapangyarihan ang Kongreso na magtakda ng termino ng mga local at national officials kundi para lamang sa mga usapin na may kaugnayan sa barangay at SK.



“Malinaw na ang probisyon ng Omnibus Election Code sa pagpapaliban ng halalan ay hindi pwedeng gawin para sa buong bansa, lalo na para sa matagalang pagpapaliban,” diin ni Marcos.

“Hanggang sa barangay at SK lang ang sakop ng kapangyarihan nila,” dagdag pa ng senador.



Gayunman, nagbabala siyang huwag magpakasigurado. “Nakita naman natin sa mga nakalipas na araw, kapag nakasagabal ang batas sa gusto ng administrasyon, binabaluktot nila ito. Kaya hindi imposible ang no-el sa 2028,” sabi ng senadora.

Sa budget hearing noong Lunes, sinabi ni Comelec Chairman Garcia na susunod ang komisyon sa anumang desisyon ng Korte Suprema.



Ngunit kung matutuloy pa rin ang eleksyon, kakailanganin ng komisyon ng mas mahabang panahon para makapaghanda.

Sa ngayon, malabo nang maidaos ang halalan sa Nobyembre 2.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang bagong batas na nagpapaliban sa susunod na BSKE sa Nobyembre 2028, dahilan upang mapalawig ang termino ng mga kasalukuyang lokal na opisyal at mai-reset ang electoral cycle sa limang taon.

Ang Republic Act (RA) No. 12326, na inaprubahan noong Setyembre 24, 2026, ay nag-amyenda sa RA No. 12232, na nagtakda sana ng susunod na regular na halalan sa barangay at SK ngayong 2026.

Sa ilalim ng bagong batas, gaganapin ang susunod na regular na barangay at SK elections sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028, habang ang mga susunod na halalan ay idaraos kada limang taon pagkatapos nito. (Mylene Alfonso)