Advertisers

Advertisers

PlayTime Entertainment, PMPC nag-tandem para sa 2026 Star Awards for Movies!

0 26

Advertisers

Ni Beth Gelena

Todo-suporta pa rin ang PlayTime Entertainment sa movie industry! Opisyal nang pinirmahan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at ng PlayTime Entertainment ang partnership agreement noong October 1, 2026, at ang PlayTime na ang “Official Entertainment Partner” ng upcoming 42nd PMPC Star Awards for Movies.

Ginanap ang signing ceremony sa PlayTime Entertainment Office, kung saan sina PlayTime Entertainment President Roy Alcid at PMPC President Fernan De Guzman ang lumagda ng kasunduan. Witnesses naman sina PlayTime Entertainment Spokesperson Adela Mae Marshall at PMPC Executive Producer Manuel Tan (Jojo Mendrez).



Hindi na bago ang tambalang ito. Tatlong taon na sumusuporta ang PlayTime Entertainment sa sa PMPC sa iba’t ibang format nito: Movies, Television, at Music!

Bonggang move para sa fans!



Malaking milestone ito para sa dalawang panig. Gusto nilang mas ma-feel ng fans ang awards at gawing mas interactive ang isa sa pinaka-prestihiyosong film awards sa bansa.

“Proud moment ito para sa PlayTime Entertainment. Honored kaming suportahan ang PMPC Star Awards for Movies at i-celebrate ang galing at husay ng Philippine cinema. Gusto naming iparinig ang boses ng mga fans na siyang lifeblood ng showbiz,” ani Alcid.



Para naman kay De Guzman, natural na next step na ito para sa awards.

“Thrilled kami na makasama ulit ang PlayTime Entertainment sa Star Awards for Movies ngayong taon. Three years na silang sumusuporta sa amin at sobra kaming thankful. Ang commitment nila sa entertainment at direct connection sa fans ay bagay na bagay sa goal naming gawing mas accessible at engaging ang awards para sa modern audience,” sabi ni De Guzman.

PlayTime Fans’ Favorite Award: Kayo ang bida!

Bilang Official Entertainment Partner, ibibigay ng PlayTime Entertainment ang PlayTime Fans’ Favorite Award sa awards night sa October 25, 2026 sa Winford Manila.

Para sa fans na gustong makaboto, may PlayTime Fans’ Favorite voting campaign sa PlayTime website, www.playtime.ph, mula October 12 hanggang October 21, at mula October 21 hanggang 25 naman ang vote counting at verification. Kayo mismo ang pipili ng paborito ninyong pelikula ng taon!

Ang PlayTime Entertainment ay isang entertainment ecosystem na naghahatid ng saya sa bawat Pilipino. Sa content development, production, at distribution sa entertainment at sports, pinagsasama-sama nito ang mga fans sa mga kwento, talento, at sandaling mahal na mahal nila. Kilala sa mga vertical nitong PT IDOL, PT Sports, at PT Cares, patuloy na nagiging tahanan ang PlayTime Entertainment ng mga Pilipinong fans.