Advertisers
PCHPC NANUMPA NA KAY MAYOR OLIVAREZ
PORMAL ng nanumpa kay Mayor Edwin L. Olivarez ang mga miyembro ng Parañaque City Hall Press Corps (PCHPC) nitong Lunes Oktubre 5, na sinaksihan nina Parañaque City Administrator Atty. Ding Soriano, Public Information Office (PIO) Chief, Erel Cabatbat, BENRO Head Bernie Amorao at mga kawani ng pamahalaan.
Pangunahing layunin ng grupo ay magsilbing samahan ng mga mamamahayag sa lungsod upang ihatid ang tapat at responsableng pagbabalita at itinataguyod ang etika sa pamamahayag.
Ang PCHPC ay magiging katuwang ng pamahalaang lungsod sa wastong balita at programa mula sa Parañaque City Hall patungo sa publiko na naninindigan sa katotohanan at kalayaan bilang “vigilant vanguard”. (RONALD BULA)