Advertisers

Advertisers

Brent binulgar na malaki ang font ng cellphone ni Meme Vice

0 23

Advertisers

Ni Beth Gelena

Binuking ng mga gwapong co hosts na sina Brent Manalo, Ralph de Leon, River Joseph at Emilio Daez si Vice Ganda ang sekreto ng It’s Showtime host na si Vice Ganda.

May kanya kanyang nadiskubre ang apat na cohost ni Meme Vice hinggil sa kanyang personalidad.



Sa kanilang guesting sa Gandang Gabi Vice (GGV), ibinahagi ng apat na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition boys ang masasayang karanasan nila kasama ang komedyante at ang mga bagay na natuklasan nila tungkol dito.

Ayon kay Brent, malaki ang font na ginagamit ni Vice sa cellphone dahil malabo ang paningin nito.



Pero higit sa nakakatuwang rebelasyon, humanga naman si Ralph sa dedikasyon ng komedyante sa kanyang trabaho.

“ Nobody loves their work as much as Vice Ganda,” saad niya.



Dagdag pa ni Ralph, “In everything na pasukin niya, kailangan talaga top-notch.”

Sang-ayon dito si Emilio, na nakatrabaho si Vice sa It’s Showtime, habang napansin naman ni River kung gaano kaabala ang komedyante.

“Parang hindi siya natutulog, parang hindi siya nagpapahinga,” ani River.

Samantala, hindi malilimutan ni Brent ang mga seryosong kuwentuhan nila ni Vice tungkol sa buhay.

Para naman kay Ralph, madaling pakisamahan ang komedyante at ramdam nilang pinakikinggan sila nito.

Naalala naman ni River ang kanilang Call Me Mother mall show promotions, na naging bonding moment nila, lalo na kapag niyayaya sila ni Vice na kumain pagkatapos.

Pangarap naman ni Emilio na makasama ang komedyante sa isang pelikula.

Kung bibigyan ng pagkakataong magtanong kay Vice, gustong malaman ni Brent kung nagkaroon na ba ito ng karelasyon sa showbiz. Si Ralph naman ay interesado sa pinaghuhugutan nito ng enerhiya, habang nais malaman ni River ang ginagawa ng komedyante kapag nag-iisa sa bahay.

Ang sikreto naman sa nakatutuwang punchline ni Vice ang gustong usisain ni Emilio.

Mapapanood ang buong episode ng Gandang Gabi Vice kasama ang apat na boys sa iWant, nang libre para sa mga user na nasa Pilipinas.