Advertisers

Advertisers

Jericho “actor with a purpose’

0 18

Advertisers

Ni Beth Gelena

Tie bilang Best Actor sina Jericho Rosales at Carlo Aquino sa ginanap na 49th Gawad Urian 2026 nitong Huwebes.

At nagtabla rin para sa best supporting actress sina Jennica Garcia at Odette Khan.



For the 49th year ng Urian ay first time silang nagbigay ng tie sa kategoryang major awards.

Hindi nakadalo si Carlo at ang tumanggap ng kanyang tropeo ay ang misis niyang aktres na si Charlie Dizon.



May inihanda namang acceptance speech si Carlo na binasa ni Charlie sa entablado.

Sa acceptance speech ay binigyang-pugay ni Carlo ang mga abogadong patuloy na lumalaban para sa hustisya.



Ang content kasi ng pelikulang napanalunan ni Carlo ay tungkol sa mga lawyer.

Late namang dumating si Jennica Garcia kaya hindi niya personal na natanggap ang tropeo bilang best supporting actress para sa pelikulang Sunshine.

Si Direk Antoinette Jadaone ang tumanggap ng award para sa anak ni Jean Garcia.

Hindi na rin nakapagbigay ng kanyang acceptance speech si Jennica.

But then, huli man daw at magaling ay nakakahabol din, kaya masaya ang celebrity mom na sa kanya napunta ang tropeo.

Emosyonal naman ang A-list actor Jericho Rosales sa kanyang acceptance speech.

Teary eyed ang actor nang tanggapin ang Best Actor award para sa Quezon.

Naalala raw kasi niya nung panahong nawalan siya ng saysay sa kanyang ginagawa at ilang beses niyang naisip na sumuko.

Binigyang-pugay rin niya si Direk Laurice Guillen, na itinuring niyang ina.

Sa pamamagitan ng Quezon, muli niyang naramdaman na mayroon pala siyang layunin bilang isang aktor.

Sinabi ni Echo na dahil sa pelikula ay muli niyang naramdaman na isa siyang “actor with a purpose.”

Isa rin sa mga tampok sa seremonya ang pagkakaloob kay Laurice Guillen ng Natatanging Gawad Urian bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa pelikulang Pilipino.

Bago ipinagkaloob ang parangal, nagbahagi ng kuwento ang National Artist na si Ricky Lee tungkol sa kanya habang ang isa pang National Artist na si Nicanor G. Tiongson ang nagbigay ng citation.