Advertisers

Advertisers

MAGUI AT ROBBIE MATAGAL NG NAGMAMAHALAN

0 16

Advertisers

Ni DOMINIC REA

Kung luma-lovelife man ngayon si Karla Estrada sa napabalitang lover boy niyang mas bata sa kanya, naku, hindi rin pakakabog ang kanyang pangatlong anak na babaeng si Magui Ford.

Isang guwapo, seksi, matangkad at matalinong guy naman ang kasalukuyang lover boy ni Magui named Robbie. 2 years mahigit ng nagmamahalan ang dalawa at mukhang lunod na lunod na sila sa isa’t isa!



Sabi pa ng aking source, going strong ang relasyon ng dalawa at boto naman daw kay Magui ang pamilya ni Robbie at ganoon din naman sina Karla at Mike Planas. Wala naman daw yatang nakikitang problema ang both parents ng dalawa kaya naman patuloy ang pagsuporta ng mga ito kena Magui at Robbie! Winner!

QUINN CARRILLO MAY BAGONG SERYE SA TV5



Si Quinn Carrillo ay nagsimula bilang Vivamax Actress. Naging 12 finalist ng Starstruck ng GMA 7. Hanggang sa nagsulat na ng movie script sa Viva.

Naging regular cast ng isang TV series sa bakuran ng Kapuso. Lumagay sa tahimik panandali dahil nabuntis ito kay Marco Gomez na kasamahan niya ring artista sa bakuran ng Viva.



Just 2 days ago ay inulansad naman siya bilang isa sa mga aktor ng bagong series ng TV5 na Mommy Guard.

Ayon sa aming napag-alamang tsika ay mukhang maganda ang ginagampanang role ni Quinn sa serye. Mahusay din naman kasing umarte si Quinn at napaka-natural ang kanyang atake!

Hindi ko lang alam kung ang paglabas niya sa naturang series ay magla-lie low narin siya sa paggawa ng pelikula at pagsulat ng script para sa Vivamax!