Advertisers

Advertisers

Lyca nagsalita sa matinding bashing

0 24

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nagsalita si Lyca Gairanod tungkol sa matinding bashing na natanggap niya noong 2022 matapos niyang i-follow sa social media ang accounts nina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte at mag-perform sa isa sa kanilang campaign rallies.

Sa kanyang guest appearance sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, ipinaliwanag ng singer na hindi niya itinuring na political statement ang kanyang social media activity noong panahong iyon.



Ayon kay Lyca, wala siyang personal na intensyon sa pag-follow sa mga public figure at hindi rin niya itinuturing ang sarili na interesado sa politika.

“Ako naman, pagdating sa social media, puwede kong i-follow ang kahit sino, hindi naman talaga mahalaga sa akin. Hindi naman personal. Walang naging isyu. Sabi ko wala talaga akong pakialam sa politika,” sabi ni Lyca.



Kasabay nito, ibinahagi rin ni Lyca ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya noong 2022, partikular ang stroke ng kanyang ama.

Dahil dito, kinailangan niyang unahin ang pangangailangan ng kanyang pamilya habang humaharap sila sa isang mahirap na sitwasyon.



Sinabi ni Lyca na handa siyang tanggapin ang mga available na trabaho, kabilang ang pag-perform sa campaign event, dahil nais niyang makatulong sa kanyang pamilya.

“Even if I got bashed or people said things about me, I was willing to do it for the sake of my family, especially for my dad at that time, because it wasn’t about me. It was my way of helping him. My only wish was for him to recover,” saad pa ng singer.

Para kay Lyca, hindi lamang simpleng career decision o social media activity ang naging usapin noong panahong iyon.

Naalala niya kung gaano kahirap para sa kanilang pamilya ang stroke ng kanyang ama at kung paano siya naging determinado na magpatuloy sa pagtatrabaho sa kabila ng mga batikos.

“I had pursued that dream for their sake, so was I just going to give up? That was the first time something like that had happened, him suffering a stroke in 2022, and it was the hardest thing we ever went through,” dagdag pa niya.
Makalipas ang ilang taon, muling nabuhay ang isyu nang muling sumikat online ang kanyang kantang “Puede Nang Mangarap.”

Dahil sa virality ng kanta, muling napunta sa spotlight si Lyca at may ilang netizen na nagtanong tungkol sa kanyang political views.

Kalaunan, sinagot niya ang isang netizen na kumuwestiyon sa kanyang paninindigan. Sa halip na pumasok sa mahabang diskusyon tungkol sa politika, iginiit ni Lyca ang personal na dahilan sa likod ng kanyang mga naging desisyon at ang pagsisikap niya para sa kanyang mga mahal sa buhay.

“I don’t have anything to prove to you. I worked hard for my family. Please don’t take it personally. Love you, y’all,” aniya.
Dahil sa pagsasalita ng first Grand Winner ng The Voice Kids nabigyang-linaw ni Lyca ang isyung matagal na niyang kinasangkutan.

Vvv