Advertisers

Advertisers

MISFIT SARA, BUKING SA SALN

0 22

Advertisers

KUNG natatandaan ninyo, inalis noong 2012 si Renato Corona bilang punong mahistrado ng Korte Suprema dahil hindi siya naging matapat sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN). Sa makasaysayang paglilitis ng Senate Impeachment Court (SIC), bumoto ang 20 senador-hukom na alisin si Corona dahil may mga halaga ng salapi at ari-arian ang hindi idineklara sa kanyang SALN.

Idinedeklara taon-taon ng bawat opisyal ng gobyerno ang kanyang SALN upang malaman ang kanyang totoong halaga at mga pag-aari. Sinasalamin ng SALN kung nagpayaman sa poder ang isang opisyal. Mahalaga ang tanging katotohanan ang ideklara sapagkat kung magsisinungaling sa SALN, mapapagbintangan siya na nagpayaman sa poder.

Sa kasalukuyang paglilitis ng SIC, may paratang na mayroon na hindi naipaliwanag na tagong yaman si Misfit Sara. Kasalukuyan itong binubusisi ng SIC at pinag-usapan ang kanyang SALN mula 2007 hanggang 2025. Natuklasan na mayroon mga pag-aari (asset) na idineklara ni Misfit sa kanyang SALN sa huling apat na taon: P80 milyon sa 2022, P98-M sa 2023, P66-M sa 2024, at P70-M sa 2025.



“Bank records and testimony show that the SALN declarations are all false. Bakit false, because hindi fully and truthfully declared ang mga material information doon sa SALN,” ani Robert Ace Barbers, dating kinatawan ng Surigao del Norte na nagsisilbi bilang impeachment adviser at tagapagsalita, sa isang pulong balitaan noong Huwebes.

Ipinaghambing ng mga taga-usig (Prosecution Panel) ang mga bank balances sa katapusan ng taon, insurance at investment payments, at firearms na pag-aari ni Misfit Sara at asawang si Mans Carpio,a kanilang mga deklarasyon sa ilalim ng “Others” o “Various” sa kanilang SALN.



Pinakamalaki ang pagkakaiba noong 2023. Natuklasan ng prosekusyon ang mahigit P71-M sa bank balance, P35.9-M sa insurance at investments, at mahigit P7-M sa firearms. Nag-ulat si Misfit at Mans na mas mababa sa P15-M sa ilalim ng “Others” sa taong iyon.

Mukhang nakakabagot titigan ang mga numero sa presentasyon ng mga taga-usig, ngunit dito makikita kung nagkamal ang mag-asawang Misfit at Mans ng tagong yaman na lampas-lampas sa kanilang mga kinita. Ipinakita ng prosekusyon ang milyong piso sa kanilang 29 accounts sa walong bangko: Land Bank of the Philippines, Asia United Bank (AUB), Philippine Savings Bank (PSBank), Metropolitan Bank and Trust Company (Metrobank), Security Bank, Bank of the Philippine Islands (BPI), Philippine National Bank (PNB), and Banco de Oro (BDO).



Ipinakita ng tagausig sa SIC ang mga bilang sa isang Landbank account, tatlong AUB account, tatlong PSBank account, tatlong Metrobank account, dalawang Security Bank account, anim na BPI account, apat na PNB account, at pitong BDO account. Hindi kasama sa bilang ang mga account na naisara na.

Sinabi ni Barbers na walang iniulat ang mag-asawa na nakabukod na cash on hand or cash in bank in any of the apat SALN na sinuri. “Sa lahat ng SALN ni VP Sara, wala siyang idineklarang cash on hand o cash in bank,” ani Barbers.

Ayon kay Barbers, ipinakita ng mga bank record ang mga taunang balance kada taon ng P59-M sa 2022, P71-M sa 2023, P22-M sa 2024, at P39-M sa 2025. Ayon sa presentasyon, pinakamalaking balance ang 2023 dahil kasama ang P32.1-M sa BDO at P21.5-M sa PNB. Mayroon P7.8-M sa BPI, samantala ang ibang ay nakakalat sa Landbank, AUB, PSBank, Metrobank, at Security Bank.

***

SAMANTALA, idineklara ng International Criminal Court (ICC) na nasa wastong estado ng kalusugan na pisikal at pag-iisip si Gongdi upang harapin ang paglilitis na magsisimula sa ika-30 ng Nobyembre ng taong ito. Walang karamdaman upang hadlangan ang napipintong paglilitis kaugnay sa sakdal na crimes against humanity na unang isinampa ni Sonny Trillanes at Gary Alejano laban sa kanya noong 2017.

Utos ni Gongdi na ipapatay ang hindi lalampas sa 30,000 katao kaugnay sa madugo pero palpak na giyera kontra droga noong siya ang pangulo ng bansa. Pinaghinalaan sila na mga adik, tulak, at druglord kahit walang ganap na katibayan. Pinatay sila ng walang maayos na proseso at batay lang sa hinala ang kanilang kamatayan sa kamay ng mga pulis at vigilante.

***

TANGING si Sara Duterte ang makakapagbigay na paliwanag sa malaking pagkakaiba ng kanyang yaman at ari-arian na idineklara sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) at ang mga transaksyon nya at asawang Mans Carpio, ayon kay Lanao del Sur Kin. Zia Alonto Adiong of Lanao del Sur, isang tagapagsalita ng prosekuyon.

“Only the Vice President supposedly can provide that explanation, but she failed to do that over the years, which then explains kung bakit there’s really that attempt to conceal the assets, and therefore a clear case of unexplained wealth,” ani Alonto

Ayon sa AMLC na ipinakita noong Miyerkoles, may mga bank record na nagpakita na mayroon lampas P4.4 bilyon na kahina-hinalang transaksyon ang mag-asawang Misfit at Mans mula 2007 hanggang 2025. Kasama sa P4.4-B ang P1.63-B sa inflow, P1.31-B sa outflow and P1.46-B sa transaksyon na hindi naklasipika ng AMLC kung ano.