Advertisers

Advertisers

Ian Veneracion, mas bet ang simpleng pamumuhay

0 26

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Sinabi noon ng magaling at simpatikong aktor na si Ian Veneracion na nagbago ang kanyang pananaw sa buhay mula nang sumapit siya sa edad na 40.

Mula sa dating paghahangad ng mas maraming materyal na bagay, mas pinipili na niya ngayon ang simple, praktikal at mas makabuluhang pamumuhay.



“As you grow older, you get to realize that what matters are the simple things in life,”bungad niya.

Hirit pa niya, masaya at kuntento raw naman siya kanyang naging desisyon.



“I’m happy with my choice. The simpler, the better,”pakli niya.

Kung dati-rati, nakatuon siya sa tinatawag na “addition,” o pagkakaroon ng mas maraming sasakyan, damit at iba pang bagay na materyal na nagbibigay sa kanya ng kaginhawahan at kasiyahan, ngayon iba na raw ang kanyang mindset.



Mas pinili na raw niya ang magbawas ng mga luho at alisin ang mga bagay na hindi na niya tunay na kailangan.

Kasabay nito, naging mas maingat din si Ian sa pangangalaga sa kanyang katawan at kalusugan. Mas binibigyang-prayoridad niya ang sapat na tulog, tamang pagkain at pahinga.

Malinaw din sa aktor kung ano ang mas mahalaga sa kanya ngayon.

“Mas binibigyan ko ng prayoridad iyong health ko kesa trabaho,” diin niya.

Pati ang kanyang social circle ay dumaan na rin sa pagbabago. Mas naging mapili siya sa mga taong kanyang pinagkakatiwalaan at nakakasama.

Sa kanyang career naman, hindi na siya basta-basta tumatanggap ng proyekto kung pakiramdam niya ay hindi ito makabubuti sa kanya o magdadala lamang ng negatibong enerhiya.

Bagama’t binawasan niya ang mga materyal na luho, hindi naman niya tinalikuran ang kanyang hilig sa adventure at physical activities.

Patuloy pa rin niyang nae-enjoy ang extreme sports tulad ng paragliding, skydiving at motorbiking.

Ngayon, mas mahalaga rin kay Ian ang paggamit ng kanyang oras para sa mga bagay at taong tunay na mahalaga sa kanya—lalo na ang kanyang pamilya.

Si Ian ay bida sa napapanahong seryeng “Drug War: A Conspiracy of Silence” na libre nang mapapanood sa YouTube channel ng Rein Entertainment na itinatag ng mga batikang filmmakers na sina Lino Cayetano, Shugo Praico, at Philip King.

Proud naman siya na napasama siya sa nasabing six-part miniseries.

“The theme of the movie is very timely and relevant.It deserves to be seen by more of our kababayans, ” pagtatapos niya.

Iprinudyus ng Rein Entertainment at ng KC Global Media Entertainment, ito ay batay sa mga tunay na pangyayari sa kampanya sa laban sa droga noong panahon ng Duterte administration.

Mula sa direksyon ni Shugo Praico.
kasama rin sa cast sina Jane Oineza, Harvey Bautista, Lotlot De Leon,John Arcilla at marami pang iba.