Advertisers
Mga kabataang ATLETA na nag-aambag ng karangalan para sa ating bansa sa pamamagitan ng pakikipagkompetisyon sa iba-ibang bansa ay nahaharap pala ang mga ito sa peligro mula sa kanilang mga TRAINOR/COACH?
Tulad na lamang sa isang pangyayari nitong gabi ng July 25 ngayong taon ay sumumpong ang pagkamanyak ng isang 62 taong gulang na AUSTRALIAN NATIONAL GYMNAST COACH na si ALYOUSEF NEDAL.., puwersahang hinalay nito ang isang USA PENSIONER na ina ng isang batang babaeng GYMNAST sa tinutuluyang CONDO UNIT ng una sa BARANGAY 78, PASAY CITY.
Ang RAPIST GYMNAST COACH ang nagsisilbing COACH ng ating PHILIPPINE MALE GYMNAST TEAM ay kasalukuyan ngayong nasa kulungan at dinidinig ang kaniyang kasong RAPE sa PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT.
Sa personal na panayam.ng ARYA SA biktima ay may mga personalidad umano ang kumukumbinsi sa kaniya na iurong ang demanda at tanggapin ang pera upang huwag tuluyang manatili sa kulungan ang suspek dahil malaki umano ang ambag nito sa pagkakapanalo ng PHILIPPINE MALE GYMNAST TEAM.
Sa puntong ito ay hindi kaya may iba pang nabiktima o hinalay ang suspek na maaaring nananahimik na lamang upang huwag malagay sa kahihiyan? Kung nagawang mang-rape ng suspek sa isang mahigit 40-anyos na ginang ay hindi kaya may namolestiya na ang suspek sa mga batang babaeng gymnast dahil nagko-coach din ito sa female gymnasts? Ito lang kaya ang nagawang kamanyakan nitong AUSTRALIAN NATIONAL o baka sa pinagmulan niyang bansa e may ganiyang kaso siyang nagawa kaya nagtungo rito sa ating bansa para matakasan ang kaniyang dapat takasan?
PAGING PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.., pakisiyasat nga po ang mga nangangasiwa sa ating mga ATLETA at tila nasa hawla ang mga ito sa ilang manyakis na TRAINOR/COACH? Nakatitiyak ba na walang iba pang COACH ang kahalintulad nitong si ALYOUSEF na sa halip mapangalagaan ang kapakanan ng mga ATLETA ay ang mga ito ang pumapapak sa mundo ng kalibugan?
Ano kaya ang ginagawang aksiyon ngayon ni PHILIPPINE SPORTS COMMISSION (PSC) JOHN PATRICK “PATO” C. GREGORIO sa kasong ito.., o baka totoo ang hinala ng mga nakikisimpatiya sa sinapit ng GINANG na US PENSIONER na sila ang namamagitan para ‘aregluhin’ na lamang upang makalaya ang AUSTRALIAN COACH?
Pero.., teka muna mga ka-ARYA lalo na sa mga GOVERNMENT OFFICIAL natin.., ang dapat unahin natin ay ang seguridad ng ating mga YOUNG ATHLETES kasama ang kanilang kapamilya mula sa mga manyakis na personalidad.., na ang mga dayuhang trainor ay dapat na binubusisi ng mga kinauukulan kung katiwatiwala ba ang mga ito o baka RAPIST sa pinagmulan nilang bansa at ginawang taguan lamang ang pamamalagi sa ating bansa?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.