Advertisers

Advertisers

Tirador ng panty huli sa CCTV, inamoy muna bago tangayin

0 35

Advertisers

NAPARATANGANG “tirador” ng panty ang isang lalaki sa Dasmariñas, Cavite nang mahagip sa CCTV ang pagsinghot at pagtangay niya ng panty sa sampayan ng kapitbahay.
Sa ibinahaging CCTV footage ng netizen na si Ruiz Azaña Margh Tolero sa kaniyang Facebook account noong Lunes, Oktubre 12, mapapanood na palinga-linga pa ang naturang lalaki bago pumasok sa gate nila, na may mga nakasampay na damit sa loob.
Pagpasok, dumiretso ang lalaki sa nakasampay na panty ni Ruiz at pagkatanggal nito sa hanger, dali-dali niyang itong sininghot.
Tila nag-alinlangan pang kuhanin ng lalaki ang panty dahil makikitang nakuha pa niya itong ibalik sa hanger bago lumabas sa gate.
Maya-maya, muling pumasok ang lalaki sa gate at itinago na ang panty sa loob ng shorts niya bago lumabas ulit.
Sa caption ni Ruiz, mababasang tila nalaman na niya kung sino ang salarin sa pagkawala ng panty niya.
“Ang lala mo kaya pala nawawala panty ko ikaw pala talaga nagnanakaw inamoy mo pa, mabango ba kaya inuubos mo panty ko d’yan,” ani Ruiz.
Dagdag pa niya, “Ilang beses na ‘yan nangyari hindi ko na papalagpasin ‘yan.”