Advertisers

Advertisers

Parak nanakit at nagposas sa 76-anyos na driver sibak sa serbisyo

0 27

Advertisers

SINIBAK sa serbisyo ng National Police Commission (Napolcom) ang isang Police Corporal nang ma-patunayan guilty sa kasong multiple administrative case sa pananakit sa isang 76-anyos na driver sa Taguig City.
Ang sinabak sa serbisyo ay si Corporal Dimaala Suaan, nakatalaga sa Rizal Police Provincial Office.
Ayon kay Napolcom Vice Chairman Atty. Rafael Vicente Calinisan, batay sa ipinalabas na resolution ng Napolcom en Banc na tuluyang sinibak sa serbisyo si Suan nang mapatunayan guilty ito sa multiple administrative case kabilang ang 2 counts ng Less Grave misconduct, 2 counts ng Grave Misconduct, Oppression at Conduct Unbecoming of Police Officer.
Bukod sa pagsibak sa serbisyo, ipinag-utos din ng Napolcom ang pag-forfeit ng mga benepisyo at diskwali-pikasyon sa paghawak o pagtalaga sa mga public office.
Ipinadala na ng Napolcom ang nasabing desisyon sa Office of the Bar Confidant kung saan nag-apply si Suan ng membership sa Philippine Bar.
“Good riddance. We need to cleanse the PNP of abusive cops. We will not miss him,” pahayag ni Calinisan.
Magugunita na sapilitan hinuli at pinosan ng nasabing pulis ang biktima nang aksidenteng masagi ng minamaneho nito ang sasakyan ng pulis sa MLQ Avenue corner Mauling Creek, Bgy. Bagumbayan Lower, Taguig City noong Hunyo 2, 2026
Nag-viral ang nasabing insidente sa social media na umani ng mga pagbatikos sa ginawang aksyon ng nasabing puis. (Mark Obleada)