Advertisers

Advertisers

‘Politiko sa Mindanao utak ng P3.5b shabu na nasabat sa Laos’

0 42

Advertisers

SINABI ng tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Joseph Frederick Calulut na tukoy na nila ang pagkakakilanlan ng posibleng mastermind ng nasabat na P3.5 halaga ng shabu sa Laos noong Oktubre 1, 2026.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Calulot na maliban sa mastermind ay alam narin nila ang detalye sa pagkakakilanlan ng iba pang sangkot sa naturang shipment, ngunit hindi pa aniya ito puwedeng sabihin sa publiko.

Aniya, maaari kasing maapektuhan ang kanilang isinasagawang imbestigasyon kapag nalaman ng publiko ang pangalan ng mga suspek.



“So alam na ho natin ‘yung mga pangalan nila at saka ‘yung mga account na ginamit ho nila,” sabi ni Calulot sa panayam ng radio dzBB.

Ibinunyag din ni Calulot na ang dalawa sa mga nakilalang suspek na sina Dibaroson Fajad, taga-marawi City; at “Boyet” ay mayroong koneksyon sa sindikato na Sam Gor na mayroong operasyon sa ilang bansa sa Southeast Asia.



Posible aniya na galing sa Sam Gor ang mga nasamsam na shabu habang isasakay sa eroplano sa airport sa Laos.

Matatandaang sinabi ng PDEA na mayroong koneksyon ang Sam Gor sa Davao City kungsaan ay ginagamit umano ng sindikato ang mga negosyo sa nasabing siyudad para maglaba ng kanilang pera at mga logistical connections para mag-ship ng mga shabu.



Ang naturang mastermind ay isa raw malaking politiko sa Mindanao. Sino kayang politiko ito? Hindi kaya yung may tattoo ng dragon sa likod?, ang sinasabi ni datingSenador Antonio Trillanes noon na miembro ng triad. Hmmm…

Maliban kina Fajad at Boyet, kinilala rin ang dalawa pang sangkot sa nabuking na drug smuggling, mag-asawa raw na dating pilotong Pinoy.

Ang dating lalaking piloto ay tinanggalan daw ng lisensiya matapos masangkot din sa droga noon sa Taguig City.

Ipinagpalagay na miembro ng international drug syndicate ang naturang ex-pilot na master na raw ang mga deadspot na ruta sa himpapawid.

Pero ang kapana-panabik na malaman natin ay kung sino itong politiko mula Mindanao na nasa likod ng naharang na 152 kilos ng shabu sa Laos airport.

Subaybayan!

***

“Hindi ito marites, hindi ito tsismis dahil dokumentado ‘yong nagsasalita at sila ang nakapirma sa dokumento,” diin ni NBI Director Melvin Matibag tungkol sa umano’y mga ari-arian na isinasangkot kay Vice President Sara Duterte at sa kanyang mister na si Atty. “Mans” Carpio na nakatala sa kanilang Statement of Assets, Liabilties and Networth (SALN).

“Parehas abogado sina Atty. Mans Carpio at Vice President Sara Duterte with a grade of 80 percent sa Bar exam,” dagdag ng NBI Chief na tila may halong pangungutya. Hehe…

Minarkahan ng NBI ang major discrepancies sa pagitan ng dineklarang halaga sa kanilang SALN at ang initial estimates ng bureau.

Dinenay ni Sara ang naturang properties. Pero sa bandang huli ay sinabi niyang kanya ang property (magarang resort sa Samal) pero hindi raw kanya ang mansion. Ngek!

Nagkakahalaga raw ng P60 million ang resort, pero ang nasa SALN ni Sara ay kulang P900K lang ito.