Advertisers

Advertisers

Bgy. chairman tinodas sa loob ng bahay

0 38

Advertisers

NASAWI ang barangay chairman ng Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas nang pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa My Homes Subdivision, 6:00 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 15.
Kinilala ng Sto. Tomas City Police ang biktima na si Barangay Chairman Dennis Austria, na hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa mga tinamong tama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Batay sa paunang impormasyon, pumasok sa bahay ng biktima ang isang armadong lalaki at pinaputukan ito ng sunud-sunod.
Mabilis na tumakas ang sa-larin, sumakay ng motorsiklong minamaneho ng kasabwat na naghihintay sa labas.
Si Austria ang dating number one kagawad na pumalit sa dating barangay chairman, na kasalukuyang municipal administrator ng bayan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.(KOI LAURA)