Advertisers
KINUMPIRMA ng Office of the Ombudsman na kanilang natanggap na ang ‘referral’ ng National Bureau of Investigation (NBI) ukol sa ginawa nitong pag-iimbestiga sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ni Vice President Sara Duterte.
Pahayag ng Ombudsman, ang referral at mga dokumentong kalakip nito’y isasailalim sa inisyal na ebalwasyon upang madetermina ang aksyon nararapat gawin.
Kabilang na rito ang pagsasagawa ng karagdagan pang imbestigasyon kung kinakailangan nang naaayon sa panuntunan ng batas.
Makatitiyak umano ang publiko na ang naturang usapin ay kanilang panghahawakan nang walang kinikilingan kulay sa pulitika.
Matatandaang sa referral na isinumite ng NBI sa Ombudsman ay nag-ugat ito sa natuklasang ‘discrepancies’ umano ng mga ari-arian nakadeklara sa SALN ni Vice President Duterte.
Kaya’y matapos ang imbestigasyon ng kawanihan, kanila na itong ipinasa sa Tanodbayan nang makita ang pagkakaiba sa idineklarang halaga ng ‘properties’ kumpara sa aktwal na ‘assessed value’ ng mga ito.