Advertisers
MAGIGING bahagi ang 539 na kaanak ng mga umano’y biktima ng extra judicial killings sa ilalim ng administrasyong Duterte sa nagpapatuloy na trial sa International Criminal Court.
Layunin ng kanilang partisipasyon ang ipakita kung paano kinaharap ng mga naulilang pamilya ang kanilang pangungulila, kahirapan, hindi naipagpatuloy na pag-aaral maging ang takot, ayon sa isang trial brief na ipinasa ng kanilang common legal representative noong October 13 sa ICC.
Inilalarawan din ng 108 pages kung paano rin kinaharap ng mga naulilang pamilya ang psychological distress at ang kakulangang pinansyal matapos masawi ang kanilang kaanak sa EJK sa illalim ng administrasyong Duterte.
Sa 539 na participants, 143 dito o 27 percent ay mga bata noong naganap ang drug war, habang 89 o 17 percent naman ay kasalukuyang paslit pa lamang.
Sa tala, 57 ang mga batang tumigil sa pag-aaral ng halos isang taon matapos masawi ang miyembro ng kanilang pamilya.
Halos 190 naman sa mga nasawi o subjected to attempted killing ay mga breadwinners ayon sa mga representatives. Habang ang iba sa kanila ay kumikita lamang ng P100 kada araw, bago sila masawi.
Isinaad din sa ulat ang mga sikolohikal na epektong iniulat ng mga biktima na lumahok.
Lahat ng 539 na biktima ay nagpahayag ng pagkakaroon ng psychological harm, kabilang ang matinding pighati, pagkabalisa, galit, kalungkutan, takot, kawalan ng pag-asa, at social isolation.
Inilarawan din ng representative ang epekto nito sa mga bata na nakasaksi ng karahasan, ang iba ay nabully at nakaranas ng kahihiyan dahil sa pagkakaugnay ng mga ito sa miyembro ng pamilya sa sangkot umano sa ilegal na droga.
Ayon pa sa representative tinatayang 122 na bata ang napatay ang nasawi sa anti-drug campaign sa pagitan ng July 2026 hanggang December 2019, ayon sa hiwalay na report. (Mula sa Bombo Radyo)