Advertisers

Advertisers

Malakanyang itinangging pinag-iisipan na ang posibleng kapalit ni VP Sara sa gitna ng impeachment trial

0 34

Advertisers

INIHAYAG ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi sumasagi sa isipan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang posibilidad ng paghahanap ng kapalit para kay Vice President Sara Duterte sa gitna ng kasalukuyang impeachment trial.

“Hindi po naiisip ng Pangulo ‘yan, sa totoo lang. Hindi po ito napag-uusapan. Sa ngayon, kahit sa aming mga pagpupulong, hindi napag-uusapan ang impeachment,” sinabi ni Castro.

“Ang nais lang po talaga niya ay due process (tamang proseso),” dagdag pa ni Castro.



Nauna nang sinabi ng Malacañang na walang makikialam sa desisyon ni Duterte na manatili sa kanyang posisyon sa kabila ng kinakaharap niyang impeachment trial.

Noong Martes, iginiit ni Duterte na siya ay “hindi magbibitiw, hinding-hindi magbibitiw sa posisyon bilang Bise Presidente” sa gitna ng impeachment trial at mga paratang laban sa kanya.



“Kung hindi siya magbibitiw, desisyon niya ‘yan. Walang makikialam diyan. Pero ang pagsasabi niyang dapat magbitiw ang Pangulo—kalokohan lang ‘yan,” dagdag niya.

Noong Martes, inalis ng prosecution panel ng Kamara ang tatlo sa apat na Articles of Impeachment laban kay Duterte. Sinabi nilang ibabase na lamang nila ang kaso sa Article II, na tumutukoy sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman dahil sa hindi kumpletong pagdedeklara ng mga ari-arian at hindi pag-alis sa mga negosyo.



Ayon sa kampo ni Duterte, ang pag-aalis ng tatlong articles of impeachment ay pag-amin na walang batayan ang mga paratang na ibinato laban sa kanya.

Binatikos din ng kampo ni Duterte ang hakbang na ito ng mga taga-usig.

Gayunpaman, nagtanong si Castro kung bakit hindi tumutol ang defense team (panig ng depensa) sa pag-aalis ng mga nasabing articles. “Ang pagbitiw sa articles of impeachment, hindi naman natin nakita ang objection yung defense team, nagbigay lang sila ng manifestation. But the team did not give any objection,” ani Castro. (Vanz Fernandez)