Advertisers

Advertisers

ABNORMAL SI MISFIT SARA, MANS

0 39

Advertisers

HINDI namin alam kung may natitirang katinuan sa pag-iisip ni Misfit Sara. Sa isang panayam ng mga mamamahayag, hinanap ni Misfit ang mga ebidensya sa bintang sa kanya at asawang Mans Carpio pagkakamal ng hindi maipaliwanag na tagong yaman. Sa pakiwari ni Misfit Sara na hindi kilala sa talas ng pag-iisip, walang sapat na ebidensya laban sa kanya upang paratangan ng pagkakamal ng hindi maipaliwanag na tagong yaman.

Abogada si Misfit Sara. Pumasa sa Bar sa unang tangka, ngunit hindi siya kinakitahan ng galing, talino, at talas ng pag-iisip upang maunawaan ang batas. May mga pagkakataon na kinakatawan niya ang labis na kamangmangan sa batas. Hindi siya magaling at wala siyang itinagong galing sa pasikot-sikot na batas.

Magaling siyang magnakaw. Lubhang matulis pagdating sa salapi ng bayan. Wala siyang awa sa sambayanan. Dadambungin ang kaban ng bayan kapag nabigyan ng pagkakataon. Iyan ang galing ni Misfit. Magnanakaw siya ng pera ng bayan.



Hindi namin alam kung nauunawaan niya ang hinaharap niyang isyu. Ebidensya ang iniharap ng prosekusyon na maraming papeles at dokumento na mayroon tagong yaman silang mag-asawa. Ebidensya ang record at dokumento mula sa Anti Money Laundering Council (AMLC), mag bangko, at kahit sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Hindi namin alam kung masasagot ni Misfit ang mga dokumento at record. Hindi siya magaling at bu ang loob. Ayaw niyang humarap sa paglilitis upang ibigay ang kanyang panig. Magaling lang siya na magnakaw pero hindi siya magaling magpaliwanag at magbigay ng kanyang panig.



Mahina ang loob at takot humarap. Hindi namin nakikita na makakalusot siya sa impeachment trial niya sa Senate Impeachment Court. Batid namin ang dulo’t wakas ng paglilitis.

***



BATID ng mga nakakaunawa na may problemang sikolohikal si Misfit Sara. Hindi ordinaryo ang kanyang problema. Hindi malusog ang kanyang isip at emosyon. Mayroon siyang bipolar syndrome, isang sakit na kung minsan ay labis siyang masaya, ngunit biglang nagbabago at nagiging labis na malungkot at iritable.

Kailangan niyang sumailalim sa pangangalaga ng mga dalubhasa sa pag-iisip, ngunit hindi niya ito prayoridad. Aligaga siya sa pulitika ng bansa at tuluyang napabayaan ang kalusugan sa pag-iisip at emosyon. Kahit hindi nagsasalita sa publiko ang mga psychiatrist, alam nila na lumalala ang problema niya sa isip at emosyon.

Hindi dito natatapos ang problema niya sa isip at emosyon. Nasapian siya ng wealth addiction, o ang labis na pagkahumaling sa salapi at yamang materyal. Labis ang kanyang paghahangad na ariin ang salapi ng bayan. Wala siyang pakialam kahit ilegal ang pagkamal niya ng yaman.

Wala siyang pakialam kahit masaktan ang bayan. Hindi niya alintana kung ano ang sasabihin ng mga tao. Ang mahalaga ay kumabig siya ng husto. Kesehoda kung apektado ang bayan, or hindi. Sugapa siya sa pera ng bayan.

***

KUNG malaki ang problema ni Misfit Sara sa isip, malaki rin ang suliranin ni Mans Carpio sa halagain (values). Wala siyang pakialam kung baluktot ang pananaw ni Misfit sa public service at tanging ang pagkakamal ng salapi ang kanyang hangad. Ang mahalaga kay Mans ay tugunan niya ng kasuwapangan ng kabiyak. Hindi malayo si Mans kay Misfit. Suwapang rin.

Kinakatawan nila ang balintunang pananaw sa serbisyo publiko. Sa kanilang limitadong pag-iisip, hindi naging pangalawang pangulo si Misfit upang maglingkod ang tulungan ang bansa na umahon sa kahirapan. Nandiyan siya sa gobyerno upang magnakaw at tugunan ang kanilang pagkahumaling sa pera ng bayan.

***

HINDI ang mga kapanalig ni Misfit Sara ang lumabas upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa nangyayari sa kanilang idolong palpak. Ang lumalabas ay ang mga nagtutulak na hatulan si Misfit at tuluyang alisin s poder. “Convict Sara” – ito ang kanilang panawagan.

Nasaan ang kanilang ipinagmamalaking supporter? Wala. Hindi sila lumalabas. Alam nila na matutuluyan ang kanilang diyosa. Alam nila na mahaharap sa maraming asuntong kriminal si Misfit. May posibilidad na makulong. Hindi siya patatawarin ng gobyerno dahil sa pandarambong sa salapi ng bayan.

***

MGA PILING SALITA: “Grabe VP nyo!!! Di alam ang mansion at resort sa property nya. Di alam may joint account sila ng tatay nya. Di alam may bilyones sya. Di nya rin kaya alam na tatay nya si Digong at mister nya si Mans?” – Joey Galicia, mamamahayag, kritiko

“Ang totoo hindi na ho natin kailangan si Mary Grace Piattos, si Milky Secuya at kung sino man pangalan duon. Kasi meron na ho tayong Sara Duterte, meron na ho tayong Mans Carpio. Mayroon na ho tayong P818 million in unexplained wealth. Meron na ho tayong P1.5 billion unexplained wealth na pinag-uusapan. May pangalan na po, hindi na ito fictitious. Totoong tao na po ito. Impeachable officer na po ito.” – Kin. Terry Ridon, tagausig