Advertisers

Advertisers

“I HEART PH,” balik na sa Season 11 ngayong Oktubre 25

0 25

Advertisers

Ni Camille Guarin

Hindi itinanggi ng multi-awarded host na si Valerie Tan ang paghanga niya sa Queen of All Media na si Kris Aquino sa ginanap na media launch ng “I HEART PH” sa Winford Resort Manila.

Sa panayam, tinanong si Valerie kung sinong celebrity ang gusto niyang isama sa Hong Kong adventure trip at kung bakit.



Ani Valerie, “Siguro if I want to bring someone with me to Hong Kong. Siguro si Queen of Talk Kris Aquino.

“I’m such a huge fan of her. She’s so smart. She’s so witty. Feeling ko pag magkasama kami magiging magka-vibes kami. So I’ll bring her, I’ll tour her. And she’ll give me some trivia. So I would love to meet her.”



Well, in fairness, hindi lang beauty ang taglay ng mother dearest nina Joshua at Bimby Aquino na si Kris kundi brains din.

Anyway, magbabalik ang award-winning lifestyle at travel show na “I HEART PH” para sa panibagong season ng kasiyahan at pagtuklas ng mga bagong lugar, katuwang ang Hong Kong Tourism Board (HKTB).”



Tampok sa programa ang Hong Kong bilang isang masiglang lungsod kung saan nagsasama ang mayamang kultura, pagkamalikhain at makabagong pamumuhay para sa isang hindi malilimutang karanasan.

Dadalhin ng “I HEART PH” ang mga manonood sa magagandang tanawin at natatanging pasyalan sa Hong Kong na tiyak na magbibigay-inspirasyon sa kanila na personal na tuklasin ang lungsod.

Ipinahayag ni Ms. Chian Jia Liew, Regional Director for Southeast Asia ng Hong Kong Tourism Board, ang kanyang kasiyahan sa muling pagbabalik ng I HEART PH sa tinaguriang Asia’s World City.

“Ikinagagalak naming muling makipagtulungan sa I HEART PH upang maipakita ang maraming karanasang matatagpuan lamang sa Hong Kong,” pahayag ni Ms. Liew.

Ayon pa sa kanya, tampok sa Hong Kong ang kakaibang pagsasanib ng kultura ng Silangan at Kanluran, tradisyon at inobasyon, pati na ang masiglang buhay sa lungsod at kahanga-hangang kalikasan.

Sa pamamagitan ng partnership, umaasa ang HKTB na mas mahihikayat ang mga Pilipinong manlalakbay na tuklasin ang mga bagong karanasan at mga natatagong hiyas ng Hong Kong.

Produced ng TV 8 Media Production, magbubukas na sa Season 11 ang “I HEART PH” sa Oktubre 25, Linggo, ganap na 11:30 ng umaga sa GTV.