Advertisers

Advertisers

TULFO, NAGBABALA SA MGA OFW SA FRANCE, SAUDI AT ISRAEL

0 28

Advertisers

PINAG-INGAT ni Senador Erwin Tulfo ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa bansang France, Saudi Arabia at Israel dahil sa mga kaguluhan sa mga nasabing lugar.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tulfo na umiwas ang mga kababayan natin sa malawakang kilos-protesta ng mga estudyante at manggagawa sa France partikular na sa Paris.



“Doble ingat po sa ating mga kababayan dyan sa France lalo na pagpapasok sa kanilang trabaho dahil sa malawakang rioting at looting,” saad ng senador.

“Sa Saudi naman mapagmanman at makinig sa mga balita bago pumasok sa trabaho dahil bigla na lang binobomba ng Iran at kaalyado nitong mga Houthis ang naturang bansa tulad ng nangyari sa King Khalid airport sa Riyadh kung saan pitong OFWS ang nasugatan,” wika ni Tulfo.

Kaugnay nito, pinag-iingat din niya ang mga OFW sa Israel na hangga’t maari umiwas na magtungo sa West Bank dahil sa pag-atake umano ng ilang Israeli settlers na mga naka-maskara sa ilang foreigners.

Hinimok din ni Tulfo ang lahat ng Pilipino na ipagdasal ang kaligtasan ng lahat ng mga OFW at ng kanilang mga naiwang pamilya sa bansa.