Advertisers

Advertisers

Tambak ilegal na pergalan sa Rizal, P/Col. Atty. Barber kunsintidor?

0 44

Advertisers

Tila tahimik at walang kakibo kibo itong bagong talagang Rizal Police Provincial Office RPPO Provincial Director PCol. Atty. Eleazar Barber Jr sa mga nagsulputang ilegal na peryahan na may kaakibat na sugalan, di po ba bawal yan DILG Secretary Jonvic Remulla Sir?

Sabagay mga Ka Usapang HAUZ halos tatlong buwan pa lang sa puwesto bilang PD itong si PCol. Barber Jr kaya siguro wala siyang pakialam sa Pergalan sa kanyang nasasakupan at mas binibigyan nito ng importansiya ang pagsawata sa mga ilegal na droga, carnaping, bank robberies at iba pa kaya may dahilan na hindi pansinin ang Peryahan con Sugalan.

Ang pagiging busy ni PD sa mga ibat ibang gawain ang siyang sinasamantala sa ngayon ng mga ilegalista partikular ang mga peryante na sinasbing may kasunduang parating sa pagitan ng mga Chief of Police di lang malaman ng mga Ka Usapang HAUZ kung magkanong parating, sakaling di alam ni PD ang kalakaran eh di bukol’.



Nais tumulong ng Usapang HAUZ sa pagbibigay ng mumunting impormasyon kay Rizal Provincial PNP Chief PCol. Barber sakaling binubulag ka ng iyong mga tauhan para pagtakpan ang pagdagsa ng mga Pergalan sa mga Bayan Bayan ng Lalawigan.

PD Sir Barber unahin na nang Usapang HAUZ na ibigay sa iyong kaalaman na sa Bayan ng Rodriguez o mas kilala sa pangalang Montalban na pinamumunuan ng iyong Chief of Police na si PLT Col. Arwyn G. Derilo ay may mini carnaval na pagaari ng isang alias Macalindog na walang takot sa pagpapasugal ng Color Games, Roleta, Drop Ball at kung ano ano pa.



Sa Bayan naman ng Tanay PD Sir, hindi man lang Nangilin ang iyong Chief of Police na si PLT COL. Jesus Fernandez Lintag dahil katabi mismo ng Simbahan itinayo ang Pergalan ng isang nagngangalang Elvie okey lang sana kung purely mga rides at kung ano ano pang paglilibangan ng mga residente eh pati mga menor de edad na estudyante ay nahuhumaling na sa halip ibili ng pagkain ay isasapalaran sa pagtaya ng drop ball o kaya ay color games.

Mukhang dito sa Bayan ng Taytay PD Sir Barber eh masusubukan ang iyong kakayahan sa paggiba sa Pergalan ng sinasabing untouchable na si Donya Tessie halos walang pahinga sa pagmintina ng sugalan na mala LRT ang haba ng lamesa ng Color Games, wala pang isang buwan ng magpahinga at sa ngayon tuloy tuloy na naman, eh ang balita ay agad kinausap ang bagong Chief of Police na si PLT. COL. Joel Custudio para sa kaayusan.



Nais ring ipagbigay alam ng Usapang HAUZ na ang Siyudad ng Antipolo ay may mga nagbabalak ng magtayo ng mga peryahan kaya’t mas makakabuti siguro PD Barber na kausapin mo na ang iyong Chief of Police na si PLT. COL. Mark Henry Acompanado na huwag nang magtangka pa at siguradong magkakahiyaan.

Sa kabilang banda mga Ka Usapang HAUZ sakaling hindi umaksiyon ang bagong hirang na Rizal Provincial PNP PD PCOL. Barber sa mga reklamo ng mg residente hinggil sa nagkalat na Pergalan ay masasabi nating kunsintidor nga?

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag-email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036