Advertisers

Advertisers

PCG at US Coast Guard nagsagawa ng joint search and rescue exercise sa Palawan

0 37

Advertisers

NAGSAGAWA ng Joint Search and Rescue Exercise (SAREX) ang Philippine Coast Guard (PCG) at United States Coast Guard (USCG) sa karagatan ng North Palawan noong Oktubre 14, 2026, bilang bahagi ng pagsisikap na palakasin ang kooperasyon at kahandaan sa mga operasyong pandagat.

Lumahok sa pagsasanay ang BRP Suluan (MRRV-4406) ng PCG at ang USCGC Bertholf ng USCG.

Nakatuon ang aktibidad sa pagpapahusay ng koordinasyon sa search and rescue operations, komunikasyong pandagat, at pagpapalitan ng impormasyon.



Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang higit na mapapalakas ang interoperability ng PCG at USCG, na mahalaga sa pagsasagawa ng mga operasyong paghahanap at pagsagip at sa pagtiyak ng kaligtasan sa karagatan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">