Advertisers

Advertisers

31 Chinese vessels namataan sa West PH Sea

0 61

Advertisers

NASA 31 na mga Chinese vessels ang namonitor ng Philippine Navy sa apat na maritime features ng West Philippine Sea (WPS) nitong Oktubre 13 hanggang 19.

Pinakamaraming barko ng China ang namataan sa Bajo de Masinloc na may 16 na mga Chinese vessels.

Sinundan ng apat na Chinese Coast Guard vessels at tatlong PLA Navy ships sa Pag-asa Islands at anim na CCGVs sa Ayungin Shoal.



Habang sa Escoda Shoal ay may namataan na dalawang PLA Navy ships.

Siniguro naman ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na patuloy ang kanilang pagbabantay sa teritoryo ng bansa at soberanya ng Pilipinas alinsunod sa international law at sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">