Advertisers

Advertisers

SPD, nakakumpiska ng higit P4M halaga ng ilegal na droga sa isang araw na drug operations

0 49

Advertisers

Nakumpiska ng Southern Police District (SPD) sa ilalim ng pamumuno ni District Director BGen Rodel A. Pastor, ang mahigit P4-milyong halaga ng hinihinalang shabu at pagkakaaresto ng walong suspek sa isinagawang anti-illegal drug operations na ikinasa ng mga otoridad sa loob ng 24-oras mula Oktubre 17-18, 2026.

Sa walong magkahkahiwalay na operasyon sa Southern Metro Manila, nakumpiska ang operative units ng SPD ng kabuuang 596.79 na gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P4,058,400.00.

Ayon sa ulat, ang pagkakaaresto sa isang high-value individual (HVI) at pitong (7) street-level individuals (SLIs) ay nagresulta sa isinagawang operasyon ng mga otoridad.



Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng pulisya at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na ang isang araw na accomplishment ng SPD ay sumasalamin sa maigting at intelligence-driven campaign nito kontra ilegal na droga kasama na ang pagtugon ng operating units laban sa mga indibidwal na sangkot sa illegal drug activities.



Sinabi ni Pastor na resulta ito ng pagpapakita ng walang tigil na pangangalap ng impormasyon at koordinadong operasyon ng pulisya, at ang tuluy-tuloy na pagpapagtupad nito laban sa ilegal na droga.

“We will continue to strengthen our intelligence-driven operations and pursue those involved in the illegal drug trade. Our objective is clear: disrupt the distribution of illegal drugs, hold offenders accountable, and keep our communities safe,” pahayag ni BGen Pastor.



Hinikayat din ng opisyal ang publiko na patuloy na magreport sa otoridad ng mga kahina-hinalang aktibidad sa ilegal na droga at binigyang-diin nito na ang napapanahong impormasyon at kooperasyon ng komunidad ay malaking ambag sa mga hakbang ng pagpapatupad ng batas ng mga tagapagpatupad nito.

Sa patnubay na rin ng prinsipyo ng pagiging Trustworthy, Service-Oriented, Accessible, Professional, and Accountable (T.S.A.P.A.), nagpapatuloy ang SPD sa pagtutok sa pagsasagawa ng mga operasyong naaayon sa batas kontra ilegal na droga habang pinapalakas ang pagseserbisyo ng mga pulis at kaligtasan ng publiko sa Southern Metro Manila. (RONALD BULA)