Advertisers
NAHULI ng Land Transportation Office (LTO) ang 11 taxi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex dahil sa mga paglabag na may kaugnayan sa kanilang prangkisa
Ayon sa LTO nitong Miyerkoles, isinagawa ang law enforcement operation Oktubre 20.
Kabilang sa mga nahuli ay may kinalaman sa pango-ngontrata at sobrang paniningil sa mga pasahero.
Inisyuhan ng Temporary Operator’s Permit (TOP) ang 11 taxi na sangkot sa mga paglabag.
Ayon sa LTO, ito ay bilang bahagi ng hakbang ng ahensya laban sa mga operator at driver na hindi sumusunod sa mga regulasyon sa pampublikong transportasyon.
Tiniyak naman ng ahensya na paiigtingin pa nito ang pagbabantay sa mga colorum na sasakyan at mga taxi driver na namimili ng pasahero, nangongontrata o naniningil nang lampas sa tamang pa-masahe.