Advertisers

Advertisers

MARCOS UMALMA SA DESISYON NG SC SA ‘26 NAT’L BUDGET

0 33

Advertisers

HINDI sinasang-ayunan ng Malacañang ang ilang bahagi ng desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng unprogrammed appropriations sa 2024 at 2025 national budgets at ilang probisyon sa 2026 budget.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro, inatasan na ang Office of the Solicitor General (OSG) na magsampa ng motion for reconsideration upang kuwestiyunin ang ilang bahagi ng ruling.

Paliwanag ni Castro, hindi naman idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang unprogrammed appropriations bilang mekanismo ng pagpopondo ng pamahalaan.




Gayunman, hindi sang-ayon ang administrasyon sa mga kondisyong itinakda ng korte para sa paggamit ng naturang pondo.

Giit ni Castro, sinunod lamang ng administrasyong Marcos ang mga kondisyong nakasaad sa mga naunang batas sa pambansang badyet.




Naniniwala rin ang Palasyo na walang nilabag na batas o probisyon ng Saligang Batas ang Pangulo sa pag-apruba ng mga ito.

Samantala, tiniyak naman ni Castro na obligasyon ng bawat opisyal ng pamahalaan na ipaliwanag at isapubliko ang paggamit ng pondo ng bayan.




Aniya, hindi confidential ang accounting ng mga nagastos na unprogrammed appropriations. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)