Advertisers

Advertisers

Jem Milton, dedma sa indecent proposal

0 32

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ANG sexy actress na tulad ni Jem Milton ay madalas pagpantasyahan ng mga barako. Sa kakaibang taglay na hotness ni Jem, hindi kataka-taka na panggigilan siya ng maraming member ng opposite sex, kahit man lang sa kanilang imagination.

Isa siya sa palaban at daring na aktres na walang-arte sa katawan sa pagsabak sa matinding love scene at hubaran sa VMX app.



Pero, naka-encounter na ba siya ng indecent proposals at paano niya ito na-handle?

Tugon ni Jem, “Indecent proposals? Natural lang iyan. I just ignore it, hindi ko pinapalaki ang mga ganyan. Kumbaga ay deadma lang.”



Anyway, sa mga naka-miss kay Jem, mapapanood siya in the flesh sa show ng isa pang hubadera na si Christine Bermas titled “Under Her Spell, A Christine Bermas Special,” sa Viva Cafe.

Dito’y tiyak na matatakam at maraming boys ang maglalaway sa mga sexy actress na tampok sa show.



Magaganap ito sa Oct. 28, 9pm at bukod kay Jem, guest dito ni Christine sina Aya Fortes at Mayumi de Vera.

Bakit dapat panoorin ang show nila sa Viva Cafe?

Tugon niya, “VMX Viva Cafe always knows how to put on a show and tiyak na sulit ang ibabayad nila at magiging memorable ang gabi nila kapag nanood sila rito. Mag-iinit ang kanilang gabi.”

Tiniyak din ng katakam-takam na hubadera na bukod sa mag iinit, mag-eenjoy nang todo ang audience rito, lalo na ang mga kalalakihan.

Aniya, “Siyempre… kasi ‘yun naman talaga ang aim hindi ba? To give a sensual, nostalgic feeling to the opposite sex.”

So, bukod sa paiinitin nila ang gabi ng mga manonood, maso-solb sila nang todo?

“Mismo!” matipid na tugon pa ni Jem.

Aminado rin siyang nami-miss na ang muling pagsabak sa VMX movie.

 

“Yes, nami-miss ko na… hopefully soon… after the Viva Cafe performance,” sambit pa ng sexy actress.