Advertisers

Advertisers

Bakit hindi si Sen. Ping sa 2028?

0 31

Advertisers

Walang kotong, walang pork barrel. Ito ang tatak o pagkakakilanlan kay Senator Panfilo “Ping” Lacson. Nandyan pa iyong binansagan din ang Senador bilang “Mr. Clean”.

Ano pa man, bagamat malayo-layo pa ang 2028 presidential elections, ramdam na ang halalan. Hindi lang dahil sa nasasaksihang kaliwa’t kanan pag-atake sa mga matunog na tatakbo sa pagkapangulo, kung hindi ay nag-uumpisa nang mag-isip at magtanong ang sambayanang Pilipino.

Katanungang – sino o ano bang uri ng pamumuno ang kailangan ng ating bansa?



Dalawang beses nang sumubok at tumakbo sa pagka Pangulo ng bansa si Sen. Ping – 2004 at 2022. Hindi pinalad ang Senador pero naniniwala ang marami na natalo siya hindi dahil kulang sa kakayahan kundi dahil ang labanan ng halalan sa bansa ay popularity contest o kasikatan. Ito ang nagiging basehan ng mga botante. Nakalulungkot pero iyan ang katotohanan na nangyayari sa bansa.

Gising mga kababayan, wakasan na natin ang bulok na estilo sa pagpili ng lider o ng pinakamataas na pinuno ng bansa? Bumase tayo sa tract record ng mga aplikante.



Sa usaping subok na track record, isa sa pangalang nangingibabaw ay si Senator Ping Lacson.

Hindi naman lingid sa atin kaalaman na ang pork barrel ay isa sa ugat ng korapsyon sa pamahalaan. Karamihan sa mga politiko ay nanggigigil na makakuha ng pork barrel pondo. Bakit? Ano pa nga ba?



Si Sen. Ping ang tanging senador sa kasaysayan ng bansa na kusang hindi tumanggap ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel. Hindi lamang isang taon, dalawang taon kung hindi bawat taon kaya kung suriin ay bilyon-bilyong pera ng bayan ang kanyang nailigtas dahil ayaw niyang makisawsaw sa pondong nauuwi lang sa bulsa ng mga buwaya.

Sa bawat talakayan ng pambansang budget sa Senado, siya ang nag-iisang “watchdog” o bantay-sarado na nagbubunyag ng mga “insertions” at kuwestyonableng pondo.

Hindi lang puro salita o pangako si Ping, lahat ng kanyang ipinaglaban ay may katumbas na totoong gawa. Paglinis sa PNP at lalo na ang pagpuksa sa “Kotong Cops”. Nang maging Chief ng Philippine National Police (1999–2001) ang Senador, pinatupad niya ang “No-Take Policy” at ang “85-15 Rule” kung saan 85% ng mga pulis ay pinalabas sa kalsada para magbantay. Nawala ang mga kotong cops at muling nagtiwala ang publiko sa pulisya.

Mula sa pagiging mag-aaral sa PMA hanggang sa pagiging pinuno ng PAOCTF, PARR (Yolanda Rehabilitation), at Senado, ipinakita niya ang pamumunong nakabase sa datos, disiplina, at walang kinakatakutan.

My dear fellow Filipinos, nawa’y matuto na tayo sa nakaraan. Isantabi na ang basehang kasikatan sa pagpili ng mamuno sa bansa. Sa tract records tayo. So, sino ang dapat sa 2028? Why not Ping?