Advertisers

Advertisers

Ongcoy nasungkit ang bronze sa Asian Para Games

0 20

Advertisers

NAKAMIT ni Cyril Cloyd Ongcoy ang unang medalya ng Pilipinas sa Asian Para Games na hindi sa swimming pool sa pamamagitan ng pagkuhang ng bronze medal sa men’s 1,500 meters T12/T13 event.

Kasama ang gabay na si Ritchie Estampador, nagtapos si Ongcoy sa ikatlong pwesto sa 4 minuto, 23.19 segundo, na siya niyang personal best.

Ito ang kauna-unahang medalya ng bansa sa para athletics sa kasalukuyang laro.



Nanalo si Nabeel Maqableh ng Jordan ng ginto at binasag ang rekord sa Asian Para Games, na may oras na 4:07.97, habang nakuha ni Sharath Makanahalli ng India ang pilak sa oras na 4:11.01, ang kaniyang pinakamahusay sa seaon.