Advertisers

Advertisers

Dagdag benepisyo para sa PWDs lusot sa House committee

0 195

Advertisers

PINAGTIBAY ng Special Committee on Persons with Disabilities sa Kamara ang ilang panukalang batas na layong bigyan ng dagdag na financial support ang persons with disabilities o PWDs.
Una rito ang House Bill 2806 kung saan sasagutin ng pamahalaan ang 70% ng monthly premium SSS contribution ng mga self-employed PWD sa loob ng unang tatlong taon.
Inaprubahan din ng komite ang panukala na magbigay ng P1,000 birthday cash gift sa lahat ng registered PWD.
Kasabay naman nito ay muling kinalampag ni Negros Occidental Rep. Ma. Lourdes Arroyo ang mga ahensya ng pamahalaan na i-update at ayusin na ang Philippine Registry for Persons with Disabilities.
Mahalaga aniya ang naturang talaan upang matiyak na maibibigay ang nararapat na benepisyo at pribilehiyo para sa mga PWD. (Henry Padilla)