Advertisers

Advertisers

NBI bumuo ng unit tutugis kina Bato, Bantag, Roque at Co

0 41

Advertisers

BUMUO ang National Bureau of Investigation (NBI) ng task force na tutugis sa mga high-profile wanted na sina Harry Roque, Zaldy Co, Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Gerald Bantag.

Sa panayam ng DZRH News program ‘The Situation Report’, sinabi ni NBI Director, Atty. Melvin Matibag, nitong Mierkoles, November 4, na sina Roque at Co ay nasa ibang bansa nagtatago, habang tukoy narin ang pinagtataguan nina Dela Rosa at Bantag.

Aniya, nakikipag-ugnayan ang NBI sa Department of Justice (DOJ) sa mga dapat gawin para maaresto na ang apat.



“We are in coordination with the DOJ, of course. Pero alam naman po natin, we’re doing our best. Hindi naman po kami nag-let up, hindi po kami huminto. Actually, I created a unit dedicated to searching for these individuals,” sabi ni Matibag.

Sinabi ni Matibag na dahil nasa ibang bansa sina Roque at Co ay nahihirapan silang arestuhin ang mga ito. Kailangan kasi ang coordination ng International Police (InterPol).



Habang sinusundan ng NBI ang mga impormasyon sa mga erya na pinagtataguan nina dela Rosa at Bantag.

“Of course, there’s a complication, nasa ibang bansa siya. But we are doing our best to communicate with our counterparts para magkaroon po ng tulungan. Kay Zaldy naman, it’s the same story with Harry. Ngayon, kay Bato, alam natin there is an offer of a reward. Mayroon pong mga impormasyon na pumapasok sa atin ngayon na sinusundan natin; mayroon pong mga areas na identified. Si Bantag, the same din na situation,” kuwento ng NBI Chief.



Si Roque ay nahaharap sa kasong qualified human trafficking sa Pampanga kaugnay ng scam hub na pinatatakbo ng Philippine offshore gaming operator (POGO) sa Porac, habang si Co ay nahaharap sa graft and malversation charges sa Sandiganbayan.

Si Dela Rosa ay wanted sa International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa madugong anti-drug campaign. Naglatag ng P50 million reward ang gobyerno sa makaaaresto sa kanya.

At si Bantag,dating direktor ng Bureau of Corrections, ay wanted sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid noong 2022.

Naniniwala si matibag na magkakamali rin ang apat at sila’y mahuhuli. Wala aniyang nakakaalpas sa mahabang kamay ng batas. Mismo!

“Ang paniniwala ko naman po palagi, hindi mo kayang takasan ang mahabang kamay ng batas. Maaaring may period na makakapa, pero eventually, magkakaroon din ng glitch ’yan at makukuha ka namin. Kung tatanungin niyo po sa parte ng NBI, tuloy-tuloy po ang aming efforts to locate them and bring them to the folds of the justice system,” diin ni Matibag.

“Mayroon po siguro kaming mga gagawin na operasyon, at kapag nabalitaan na hindi nahuli, ’yun po ay part and parcel of law enforcement. Hindi naman po lahat, kailangan namin. ’Pag may information na pumasok na medyo positive, we have to do an enforcement to eliminate that area already para nako-close po natin. Hindi naman sabihin mong hit and miss, pero base on human intel ’yan, mga open intel, at may mga report po sa atin bago po natin aksyunan,” dagdag ni Matibag

– Mula sa post ng TheSituationReport